Thursday, 16 August 2018

Franklin Drilon: Hindi maaring mamili si Pangulong Duterte ng papalit sa kanya sakaling ituloy nito ang pagbaba sa pwesto!


Binigyang-diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na hindi maaring mamili si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit sa kanya sakaling ituloy nito ang pagbaba sa pwesto.

Reaksyon ito ni Drilon makaraang sabihin ng Pangulo na kapag siya ay nagbitiw ay sina Senator Chiz Escudero o dating senador Bongbong Marcos ang nais niyang pumalit sa kanya.

Sabi ni Senator Escudero, nakakataba ng puso ang pagpili sa kanya ng Pangulo pero labag ito sa konstitusyon kaya imposibleng mangyari.

Giit naman ni Senator Antonio Trillanes IV, malinaw sa Saligang-Batas na tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang pwedeng humalili kay Pangulong Duterte.

source:rmn

0 comments

Post a Comment