Thursday, 27 September 2018

PNP: "Malabong-malabo na mapabagsak ang Duterte Administration".


Malabong-malabo na mapabagsak ang Duterte Administration.

Sinabi ito ni PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana sa harap na rin ng mga nadiskubre ng pamahalaan na mga planong pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte o tinaguriang “Red October”.

Ayon kay Durana, mananatiling panaginip lang para sa mga grupong nais magpabagsak sa Duterte Administration ang kanilang planong destabilisasyon.

Sinabi pa ni Durana karamihan sa mga Pilipino ay hindi sumusuporta sa mga grupong nais magpabagsak kay Pangulong Duterte.

Inihalimbawa pa nito ang ginanap na September 21 black protest kung saan target ng mga grupong nais magpabagsak sa administrasyon na makapaghikayat ng 40 hanggang 50,000 katao para sumama sa kampanya na patalsikin ang Pangulo ngunit 3,000 katao lang aniya ang sumuporta sa grupo.

source:rmn

1 comments:

  1. DAHIL NKITA NG TAONG bayan ang tunay n pangulo at hndi ang piking pangulo,, kaya ano p ba hanapin nila maeaming nagwa ang du30 administration n makita mong kapakipakinabang, i salute you sir,,

    ReplyDelete