Wednesday, 5 September 2018

Robin Padilla gustong sya na mismo ang 'umaresto' kay Trillanes kapag lumabas na ang Warrant of arrest!


Gusto ng aktor na si Robin Padilla na siya mismo ang umaresto kay Senador Antonio Trillanes kapag lumabas na ang warrant of arrest ng Korte laban dito para sa kasong rebelyon at kudeta.

Puwede raw niya itong gawin batay sa nakatadhana sa batas na citizen’s arrest.

“Alam ko naman na ngayon wala pang warrant. Pero kung may warrant dun na ako sa loob. Kasi may citizen’s arrest di ba. Kahit kayo pwede n’yo siyang arestuhin. Ayaw n’yo?” Sabi ni Padilla.

“Di ba automatic’yun? Hindi ba, automatic yun! Nasa batas po ‘yun basta may kriminal sa harap mo at ikaw eh citizen ng Pilipinas e pwede ‘yun,” sabi ni Padilla sa panayam habang nasa harap ito ng gusali ng Senado.

Kung hindi man siya ang makaaresto, nais niyang masaksihan ang pagdakip ng militar o pulisya kay Trillanes.

Dahil dito, kaya dalawang araw na siyang nakabantay sa harap ng gusali ng Senado.

“Para sa akin trabaho ko ‘yun bilang mamamayang Filipino,” paliwanag

Hinamon nito si Trillanes na lumabas ng Senado at magkusang humarap sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa kaniyang pagkakaalam ay may imbitasyon sa senador.

Tinawanan naman ni Padilla ang sabi ni Trillanes na mag-mature muna siya bago siya patulan nito.

“Ang sarap nga nun. Bata pa talaga ako kung titingnan nyo. I’m 50 but yeah. Siya ho ang nagtatago sa loob. Sinasabi n’yo bat di siya makalabas? Hindi ba ang taguan, laro ng bata yun?” Dagdag ng aktor.

source:abante

0 comments

Post a Comment