Saturday, 22 September 2018

Trillanes, ipinakita ang CCTV ng umano’y sasakyang umaaligid daw sa kanyang bahay,


Ipinakita ni Senator Antonio Trillanes IV ang CCTV footages ng sasakyan na umano ay nagmamatyag sa kaniyang bahay.

Ayon kay Trillanes, ang video ay kuha sa harapan ng kanyang tahanan noong September 11.

Sa nasabing video makikita ang isang SUV na dalawang beses na mabagal na dumadaan sa harapan ng kaniyang tahanan.

May pagkakataon pa na huminto ang sasakyan at tila nakatingin ang driver nito sa bahay ng senador.

Pero giit ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, drama lang ang sinasabi ni Trillanes.

Aniya, malinaw naman kasi na ipinaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Regional Trial Court at maging sa Korte Suprema ang usapin sa legalidad ng pagpapawalang bisa sa amnesty kay Trillanes.

source:rmn

0 comments

Post a Comment