Saturday, 27 October 2018

5 Bagay Na Pwedeng Magdulot Ng Atake Sa Puso At Paano Ito Maiiwasan.Alamin


Sinasabi na kahit babae man o lalaki ay may tiyansang magkaroon ng heart attack. Wala na rin itong pinipiling edad dahil may mga bagay bagay na nakakapag-contribute sa pagkakaroon ng atake sa puso. At ang dapat mo lang gawin ay iwasan ang mga ito upang hindi na mas lalo pang tumaas ang iyong tiyansang maranasan ito.

Narito ang mga negatibong bagay na nagagawa mo na maaaring magdulot ng atake sa puso.

1. Emotional distress

Ang pagkaranas ng matinding emosyon gaya ng kalungkutan at depresyon ay may negatibong epekto sa katawan at sa utak. Dahil nagkakaroon ng pagbabago sa daloy ng dugo sa katawan at kumokonti ang daloy nito sa iyong puso. Mapapansin na ang mga taong nakakaranas nito ay bumibilis ang tibok ng puso, naninikip ang dibdib, o nahihirapang huminga. Kaya mas maganda kung maiiwasan ito.

2. Polusyon

Ayon sa isang pag-aaral, ang atake sa puso ay mayroong malaking koneksyon sa maruming hangin na ating nalalanghap. Ang air pollution ay nakakasama sa kalusugan partikular na sa mata, ilong, at lalamunan. Maaaring itong magdulot ng asthma, kahirapan sa paghinga, at pwede ring maapektuhan ang kalagayan ng puso.

3. Pagiging galit

Gaya ng depresyon, ang pagiging galit ay may masamang epekto rin sa ating puso. Ito ay dahil isa rin itong matinding negatibong emosyon. Ang anger at anxiety ay konektado sa pagbilis ng tibok ng puso ng isang tao at pagtaas ng dugo. At kung palagi itong nararanasan, maaari itong mauwi sa atake sa puso.

4. Labis na pakikipaginuman

Ang pag inom ng alak ay nakakapagpataas ng tiyansa ng heart attack at heart failure. Ito ay dahil ang alcoh0l ay nakakapagpataas ng blood pressure na isang importanteng risk factor sa pagkakaroon ng atake sa puso.

5. Hindi pagkakaroon ng sapat na tulog

Ayon sa isang pag-aaral, may 45% na tiyansang magkakaroon ng atake sa puso ang mga taong may insomnia o nagkukulangan sa tulog kaysa sa mga taong may sapat na tulog. Kaya importante na magkaroon ng 8 oras na tulog kada gabi. Hindi rin maganda ang sumosobra sa 10 oras na tulog kada araw.

source:Facebook

0 comments

Post a Comment