Tuesday, 30 October 2018

7 Importanteng Bagay Na Dapat Gawin Upang Maiwasan Ang HIGH BLOOD Pressure! Alamin


Isang delikadong kondisyon ang pagkakaroon ng high blood pressure o tinatawag din na hypertension. Karamihan sa mga kaso ng hypertension ay hindi matukoy ang tiyak na dahilan, ngunit napakaraming factors ang pwedeng mag-trigger ng sa kit na ito.

Mga Bagay Na Maaaring Magdulot Ng High Blood

Sobrang katabaan o obesity
Kakulangan sa ehersisyo
Paniniga rilyo at pag-inom ng al*k
Pagkain ng maaalat na pagkain
Stress
Chronic kidney disease
Family history
Genetics
Thyroid disorders
Narito ang mga importanteng bagay na dapat gawin upang maiwasan ang high blood pressure:

1. Magkaroon ng healthy lifestyle

Unang una, iwasan ang paniniga rilyo at pag-inom ng al*k. Alam ng marami na hindi lamang ito masamang bisyo kung hindi may masamang epekto rin ito sa ating katawan habang tumatagal ngunit patuloy pa rin itong ginagawa. Kung gusto mong humaba ang iyong buhay at hindi magkaroon ng komplikasyon sa katagalan ay itigil mo na ito.

2. Ang pag-eehersisyo ay importante!

Kahit ikaw ay hindi naman mataba, kailangan mo pa rin ang mag-ehersisyo araw-araw upang mapalusog ang iyong puso. Ang 30 mins na jogging o walking araw-araw ay may magandang benepisyo na sa pagmaintain ng blood pressure.

3. Subukan ang breathing exercises

Sa umaga, mas makakabuti na lumanghap ng sariwang hangin at gawin ang deep breathing exercises. Ito ay ang paghinga ng malalim at parelease ng hangin na dahan-dahan. Nakakatulong ito na marelease ang tension sa iyong katawan.

4. Umiwas sa maalat na pagkain

Karamihan sa mga pagkain ngayon ay nagtataglay ng mataas na sodium content. Kadalasan ang mga pagkaing ito ay makikita sa mga fastfoods, chitchirya, at instant noodles. Dahil ang pagkain ng maaalat na pagkain ay maaaring mag-trigger ng high blood.

5. Kumain ng kamote

Ang mga pagkaing mayaman sa potassium gaya ng kamote, saging, spinach, mushroom, at pipino ay napatunayang nakakapagpa-regulate ng blood pressure.

6. Umiwas sa inuming may caffeine

Ang mga inuming mataas ang caffeine content gaya ng kape, tsaa, at softdrinks ay dapat mong limitahan. Dahil ang mga ito ay nakakapagpataas ng presyon. Kung iinom man ng kape, piliin ang decaffeinated coffee.


7. Umiwas sa mga nakaka-stress na bagay

Kung ikaw ay na-iistress sa iyong trabaho o relasyon, subukan munang magbakasyon o magpahinga upang marelease ang tensyon. Dahil ang stress ang isa sa mga pangunahing dahilan na nakakapag-resulta sa mataas na BP.

source:facebook

0 comments

Post a Comment