Wednesday, 31 October 2018

Alamin Kung Paano Makaka-Avail Ng ‘Solo Parent ID’ Para Makuha Ang Mga Benepisyo Kalakip Nito


Ayon sa datos na inilabas ng National Health Institute noong 2007 ay may naitalang halos labing-apat na milyong (14million) single parents dito sa Pilipinas. Posible ring lumobo pa ito ng halos dalawampung milyon base sa mga tala ng Rappler ngayong taon,

Kung iba-base sa batas ay entitled sa maraming benepisyo ang isang single parent, ito ay nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.

Sa pagbukas ng taong ito, ang DSWD o Department of Social Welfare and Development ay humingi ng kaunting pagbabago sa naturang batas. Nais nilang idagdag sa RA 8972 ang discounts sa mga bilihin tulad ng mga pangunahing pangangailangan, gamot, gamit sa paaralan at iba pa.

Para makatanggap at mabigyan ng prebilihiyo ang isang solo parent ay kakailanganin niya ng isang Solo Parent ID. Ngunit sino ba ang kwalipikado dito?

Kahit sinong indibidwal na nagpapalaki o mayroong nag-iisang pananagutan sa kanyang anak, hiwalay man o hindi kayong mag-asawa, o kapag tinanggihan ng kabilang partido ang responsibilidad sa inyong anak o kahit ano pang dahilan na nag-iwan sa iyo at sa iyong anak na mamuhay ng kayo lang ay kino-konsiderang kwalipikado sa prebelihiyo ng isang Solo Parent. Ito ay ayon kay Atty. Lorna Patajo-Kapunan.



P/C: Philippine IDs
Ayon sa RA 8927, ang solo parent ay:

1. Mag-isang may pananagutan sa anak
Namatayan ng asawa/kinakasama
Ang asawa ay nakakulong o nahatulan ng pagkakabilanggo ng hindi bababa sa isang taon
Kawalang kakayahang pisikal at mental na pinatotohanan ng isang Public Medical Practitioner.
Legal Separation o de facto separation sa asawa ng hindi bababa sa isang taon at sa kanya ibinigay ang kustodiya sa mga anak
Pagdeklara sa kasal ng annulled ayon sa utos ng korte o simbahan at kanya ibinigay ang kustodiya sa mga anak
2. Mga hindi kasal at piniling panagutan at akuin ang responsibilidad sa mga anak
3. Nabuntis ang nanganak dahil sa rape at iba pang krimen at piniling panagutan at akuin ang responsibilidad sa mga anak kahit wala pang hatol sa nagkasala.
4. Kahit sinong mag-isang nagbibigay ng pag-aalaga ng magulang sa mga bata
5. Kahit sinong kapamilya na umako sa responsibilidad sa pagpapalaki sa mga bata


P/C: A Mother’s Journey
Paano makakuha ng Solo Parent ID :

1. Ihanda ang mga kailangang dokumento
Barangay Certificate
Proof of Financial Status (Income Tax Return)
Proof of your Solo Parent Status
Spouse’s Death Certificate (para sa mga balo/byuda?
Certificate mula sa Barangay na nagpapatunay na isa kang solo parent (Para sa mga de facto marriage)
Birth Certificate/s ng iyong mga anak
Filled Up Solo Parent ID Application Form

2. Ipasa ang lahat ng iyong mga dokumento sa Provincial o Municipal Social Welfare and Development Office. Ang iyong application ay susuriin ng mga social worker at aabutin ng tatlumpung araw (3o days) bago maibigay ang iyong ID.


P/C: Smart Parenting
Ito naman ang mga benepisyong maiibibigay ng iyong Solo Parent ID :
Flexible Work Schedule
Parental Leave (7 days)
Protection against Work Discrimination
Additional Support and Assistance
Mas mainam na malaman ang mga benepisyo at prebilihiyong maaring makamit ng isang solo parent.

Source : Smart Parenting

THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.

0 comments

Post a Comment