Monday, 22 October 2018

Bam Aquino: "Rule of law matagumpay sa pagpanig ng korte kay Trillanes"


Pinapurihan ni Senador Bam Aquino ang pagbasura ni Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court Branch 148 sa pagpapaaresto ng Department of Justice kay Senador Antonio Trillanes IV.

Pinuri ang pagpapakita umano ng tapang ng hukom.

“We laud Judge Soriano for siding with the truth and for his courage amidst seemingly insurmountable pressure,” ayon kay Aquino, kasapi ng Liberal Party (LP).

“In our history, the courage of one man to do the right thing can inspire others to do and be the same. Kakayanin ng bawat isa sa atin na panindigan ang katotohanan, kahit sa pinakamabigat at pinakamapanganib na sitwasyon,” pahayag ni Aquino.


Tumanggi si Soriano na ipaaresto si Trillanes batay sa petisyon ng DOJ na naggiit na buhay pa ang kaso nitong kudeta matapos bawiin ni Pangulong Duterte ang amnestiya nito batay sa Proclamation No. 572.


“This is not only a personal victory of Sen. Sonny Trillanes, but a victory for the rule of law in the country,” diin ni Aquino.

source:abante

0 comments

Post a Comment