Sunday, 28 October 2018

Gabriela: "Walang katulad ang kabastusan ni Duterte"


Hindi pinalampas ng grupong Gabriela ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na puwede siyang duraan kapag napatunayan sa kanyang bank accounts na meron siyang tagong-yaman.

Pero ang higit na ikinairita nina Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ay ang sinabi ng Pangulo na kapag magandang babae ay kukunin niya ang laway.

Ayon kina de Jesus at Brosas, walang katulad ang kabastusan ni Duterte na tinawag nilang manyak at malibog

“Maliligo siya sa laway ng mamamayang galit na galit sa kanyang kamanyakan at pagka-inutil. Kasuklam-suklam ang paggamit niya ng kanyang posisyon para ipabatid sa publiko ang kanyang kalibugan at pagnanasa sa kababaihan,” sabi ng Gabriela.


Para sa grupo, inililihis ni Duterte sa kanyang kabastusan ang mahahalagang usapin at mga suliranin sa kanyang pamumuno.

Binigyang diin ng mga ito na walang maitutulong ang kahalintulad na pahayag ng Presidente sa mga pamilyang kumakalam ang sikmura at namumrublema sa taas ng bilihin.

“It is reprehensible that the President chose again to engage in his gross macho antics at a time when majority of Filipino women live a hand-to-mouth existence due to skyrocketing prices and depressed wages. We lament that this further contributes to degradation and disrespect of women, and disturbingly sets a very bad example for our children,” ayon sa Gabriela.

source:abante

0 comments

Post a Comment