Saturday, 20 October 2018

JV Ejercito: "Malinaw pa sa sikat ng araw, mas guwapo ako kay Jinggoy"



Tahasang sinabi ni Senador JV Ejercito na ang ugat ng pinag-awayan nilang magkapatid ni da­ting Senador Jinggoy Estrada ay kung sino ang guwapo sa kanila.

Sa isang talumpati kamakailan, sinabi ni Ejercito sa harap ng mga dumalo sa pagtitipon na kitang-kita naman ang ebidensiya kung sino sa kanilang dalawa ang guwapo.

“Simple lang pinag-awayan namin talaga eh. Sabi kasi ng kapatid ko ‘mas guwapo siya’. Siyempre nakita niyo maliwanag ang araw, ilaw, kitang-kita nyo ang ebidensiya talagang ako talaga, tama ba o mali?” hirit ni Ejercito

“Dahil kung hindi nyo sasabi­hing tama, malamang may problema si (DOH) Secretary (Francisco) Duque sa mata, may kulang sila ng Vitamin B deficiency siguro. Vitamin A pala.” banat pa ng senador.


Nilinaw naman ni Ejercito sa panayam ng Abante na nagbibiro lang siya upang magising ang crowd. Aniya, mas makabubuting talakayin na lamang ang naging performance niya, imbes na ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jinggoy.

Sinikap naman ng pahayagang ito na hingin ang reaksyon ni Estrada subalit ayon sa staff nito ay nasalang ito sa entablado at nagsasalita habang sinusulat ang balitang ito.

Dati nang may hidwaan ang magkapatid, pero lumala ito noong lumagda si Ejercito sa report ng Senate Blue Ribbon Committee noong Mayo 2014 na nagrerekomenda ng kasong plunder laban kay Estrada at kina ­dating Senador Juan Ponce Enrile at Ramon Bong Revilla Jr.

source:abante

0 comments

Post a Comment