Sunday, 21 October 2018

Koko Pimentel pinadidiskuwalipika sa Comelec Dahil tapos na ang Termino


Naghain ng petition sa Commission on Election (Comelec) ang isang kilalang abogado upang ipadiskuwalipika sa May 2019 senatorial race si Senator Koko Pimentel.

Sa kanyang petisyon, nilinaw ni Atty. Ferdinand Topacio na walang karapatan ang senador na kumandidato dahil natapos na niya ang dalawang termino.

Paliwanag nito ang pagkandidato niya ngayon ay para sa ikatlong termino na malinaw na labag ito sa batas.



Naniniwala si Atty.Topacio na naisilbi ni Koko Pimentel ang kanyang dalawang termino na nililimitahan ng Saligang Batas.


Nilinaw ni Topacio na walang anuman o sinuman na humikayat sa kanya upang kuwestiyunin ang kandidatura ng senador.

source:rmn

0 comments

Post a Comment