Thursday, 25 October 2018

Mga pambato ng Liberal Party, ipinakilala na


Pormal ipinakilala na ng Liberal Party (LP) ang kanilang walong pambato para sa 2019 mid-term election.

Kabilang rito sina dating interior secretary Mar Roxas, Senador Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno, dating Quezon representative Erin TaƱada.

Gayundin sina dating solicitor general Florin Hilbay, Magdalo representative Gary Alejano, Marawi civic leader Samira Gutoc at election lawyer Romulo Macalintal.



Ayon sa LP, sinala nilang mabuti ang mga nais na tumakbo sa kanilang senatorial slate, pinili ang may magandang track record at may ipinaglalabang adbokasiya.

Kasabay nito, nagparinig naman si Vice President Leni Robredo hinggil sa eleksyon noong 2016.

Mayroong campaign slogan ang oposiyon na “Makinig. Matuto.at Kumilos.” na dapat ay ginagawa raw ng mga nasa pamahalaan.

source:rmn

0 comments

Post a Comment