Sunday, 21 October 2018

Mocha pabor sa komento ni Aga Muhlach kay Trillanes: "Tumulong kanalang" WATCH


Sumagot na si Mocha Uson, isa sa mga kritiko ni Senador Antonio Trillanes IV, matapos sabihan ni Aga Muhlach na tumigil na umano ang mambabatas sa pasaring sa administrasyong Duterte at tumulong na lang dapat.

Sa kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog, pahayag ni Uson na wala namang masamang tinuran si Aga sa kanyang naging guesting sa Kapamilya show na ‘Gandang Gabi Vice’, at para rin sa dating communications assistant secretary, tama lang ang sinabi ni Aga.



Hindi pa rito natapos si Uson, sinabi na ang mga nagpapatama kay Aga ay mga dilawan.
“Ang mga dilawan ay nangampanya na wag daw panuorin ang pelikula ni Aga. Kahit wala naman siyang sinabing masama kay Trillanes at sinabi lang naman niya na tumulong nalang sana sa ating bayan,” sa caption ni Mocha.

Hinimok rin ni Mocha na suportahan ang bagong movie ni Aga na ‘First Love’ katambal si Bea Alonzo.



Ang mga dilawan ay nangampanya na wag daw panuorin ang pelikula ni Aga. Kahit wala naman siyang sinabing masama kay Trillanes at sinabi lang naman niya na tumulong nalang sana sa ating bayan. Ipinapakita lang ng mga dilawan na ang kanilang hangarin lamang ay masira ang ating bayan. Nanawagan pa ang iba na i-boycott daw ang pelikula nila ni Bea Alonzo na FIRST LOVE. Kaya ako po ay nananawagan na suportahan natin ang pelikula nila ni AGA MUHLACH. Dahil para sa akin maganda ang kanyang sinabi na tulungan nalang natin ang ating gobyerno.

Matatandaan na umani ng negatibong reaksyon ang pasaring ni Aga, na sinabi pa ng iba na ibo-boycott ang kanilang pelikula dahil sa naging patama nito.

source:abante

0 comments

Post a Comment