Tuesday, 23 October 2018

Pangulong Duterte aprub sa prangkisa ng telco ni Villar


Iginawad ng MalacaƱang ang 25 taong prangkisa para sa kumpanyang Streamtech Systems Technologies Inc. na pag-aari ng pamilya Villar para makapag-operate ng telecommunications system sa bansa.


Ang Republic Act 11089 na naggagawad ng prangkisa sa Streamtech ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong October 18, 2018.


Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang Streamtech para magtayo ng wire at wireless telecom system, national broadband system, mobile at cellular fiber optics at iba pang serbisyo sa telekomunikasyon.

Ang Streamtech ay pinamunuan ni Manuel Polo Villar, anak ni dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar, at kapatid ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Nakasaad sa pinirmahang batas ng Pangulo na babawiin ang prangkisa kapag nabigo ang Streamtech na sumunod sa mga kundisyon, partikular kapag hindi pa nagsimula ng operasyon sa loob ng isang taon matapos maaprubahan ang permit to operate nito ng National Telecommunications Commission, o kaya kapag hindi pa nag-operate sa loob ng tatlong taon simula maigawad ang prangkisa nito.

source:abante

0 comments

Post a Comment