Sunday, 28 October 2018

Pangulong Duterte sa mga babaeng kritiko: "Hindi ko kayo hahalikan, mga pangit kayo"


Nagpatama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumokontra umano sa kanyang kababaihan na hindi umano magtatangkang halikan ito ng Pangulo dahil ‘pangit’ sila.

“Hindi lang ninyo alam, loka-loka, kasi mga pangit kayo. Pati ‘yung ngipin ninyo malalaki. Hindi ako maghalik sa inyo,” saad ni Duterte sa kanyang speech sa MassKara festival sa Bacolod.

Sa unang pahayag ng Pangulo, sinabi niya na handa siyang magpadura sa mga kritiko kung mapapatunayang may itinatago siyang yaman.

“You can spit on my face. That is my guarantee. Bastusin mo na ako,” pakli ni Digong.


Ngunit ibang usapan na raw kung maganda ang babae, tatanggapin niya umano ang laway nito.

“Pero ‘pag babae ka na maganda at dinuraan mo ako, ‘yung laway mo kunin ko, ilagay ko… Magagalit na naman ‘yang mga babae, sir,” pahayag niya.

Binuweltahan naman ni Akbayan party-list chairperson-emeritus Etta Rosales ang tinuran ng Presidente, na sinabing itigil na umano ni Duterte ang mga patutsada at magtrabaho naman daw ito.

“Kung gaano kataas ang presyo ng bilihin ngayon, ganun naman kababaw ang diskurso sa ilalim ni Duterte.

“Imbes na pag-aksayahan ng oras ang pag-atake sa mga babaeng kritiko, mas kailangan ng lunas ng mga Pilipino mula sa pasakit ng taas-presyo,” pahayag ni Rosales. “Mr. President, stop the non-sense ramblings. Araw-araw na lang. Magtrabaho ka naman.”

source:abante

0 comments

Post a Comment