Monday, 22 October 2018

Trillanes: “Nagwagi ang hustisya. Nagwagi ang demokrasya,”


Abot-abot ang pasalamat ni Senador Antonio Trillanes IV sa pagtanggi ni Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court Branch 148 na ipaaresto siya at buhayin ang kasong coup d’etat.

“Nagwagi ang hustisya. Nagwagi ang demokrasya,” sabi ni Trillanes.

“Judge Soriano single-handedly upheld justice and rule of law,” dagdag niya.

Sa pagkakabasura ng kaso, wala na umanong banta para maipakulong siya ng administrasyon.


Ginarantiyahan na umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi siya isasalang sa court martial proceeding dahil hindi na siya sundalo mula noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2007.

Nakapiyansa naman siya sa kasong rebelyon sa Makati RTC Branch 150, sala ni Judge Elmo Alameda, kung saan nakakakita rin umano siya ng liwanag.


Inaasahan naman ni Trillanes na patuloy siyang gigipitin at hahanapan ng butas ng administrasyon pero hindi umano siya uurong.

“Lalo tayong punong-puno ng energy ngayon. Talagang bantay lang sila. Nakabuwelo na tayo ngayon,” deklarasyon nito.

source:abante

0 comments

Post a Comment