Monday, 22 October 2018

Trillanes, pinasalamatan si Judge Andres Soriano


Ipinagpasalamat ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Makati RTC Branch 148 na pumabor sa kanila.

Giit ni Atty. Rey Robles, ang abogado ni Trillanes, lumabas din ang katotohanan na nag-apply ng amnesty si Trillanes kaya hindi pinayagan ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang muling pagbuhay sa kasong kudeta.

Paliwanag ni Robles, hindi kalimitang binubuksan muli ang mga kasong naisara o napagdesisyonan na.

Inaasahan naman ni Trillanes na mas maigting pa ang gagawing panggigipit sa kaniya ng pamahalaan dahil sa pagiging kritiko niya.

Pero nanindigan siyang mas lalo siyang gaganahan dahil sa resolusyon ng hukuman.



Banta pa ni Trillanes, marami siyang ilalabas na expose’ lalo na kina Solicitor General Jose Calida at dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Sa kanilang susunod na legal na hakbang, sinabi Ni Robles na hinihintay na lamang nilang ma-nullify sa Korte Suprema ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

source:rmn

0 comments

Post a Comment