Monday, 26 November 2018

1 sa 2 Ultra lotto winner, namudmod ng balato na umabot na sa P13 milyon. Watch!


Umabot na umano sa P13 milyon ang naibigay na balato ng isa sa dalawang nanalo ng Ultra lotto noong Oktubre at nakapagbulsa ng mahigit tig-P500 milyon na premyo. Ang naturang lotto winner na mula sa Borongan, Eastern Samar, nakainom daw at "nagkamali" pa sa isang numero na gusto niyang tayaan.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Caloy na tanging pinagkakatiwalaan daw ng lotto winner na itinago sa pangalang "Pepito," na hindi talaga mahigit tumaya ng lotto ang kaniyang kaibigan.

READ: 1 sa 2 nanalo sa P1-B jackpot sa lotto, nangutang muna ng pamasahe bago naging multi-milyonaryo

Pero dahil umabot na sa P1 bilyon ang premyo, tumaya raw ang kaniyang kaibigan matapos manggaling sa inuman. Nagkamali pa raw ito nang taya sa isang numero na sa halip na "58" ay "50" ang nailagay.


Dahil sa nangyari, sinabi ni Caloy na naniniwala si Pepito na sadyang para sa kaniya ang biyaya.

Napag-alaman na nagtatrabahong dispatcher sa city hall si Pepito, at nagsa-sideline na tricycle driver.

Pero kahit kapus sa buhay, sadya raw galante si Pepito.

Sa kaniyang mga taga-barangay, namigay si Pepito ng balato na tig-P5,000. May balato rin siya sa mga tricycle driver, mga kawani ng city hall, at nag-donate sa simbahan at iba pa.

Panoorin ang buong kuwento tungkol kay Pepito sa video na ito ng "KMJS."



source:gma

0 comments

Post a Comment