Sunday, 18 November 2018

2 itlog pala ang dapat mong kainin sa isang araw. narito ang rason kung bakit.


Maraming opinyon ang mga tao kung ilang itlog nga ba ang dapat nating kainin sa isang araw. Ang ilan ay nagsasabi na dapat isa lang ang ilan naman dapat ay tatlo o mas marami pa at ang iba naman ay ipinagbabawal ito.

Ang ilan ay natatakot kumain nito dahil ang akala nila ay marami itong cholesterol. Subalit ayon naman sa isang dietary expert sa Swedish website, huwag daw natin itong ikabahala dahil narito ang mga rason at benepisyo ng pagkain nito.

Limang Rason kung bakit kailangan mong kumain ng dalawang itlog sa isang araw:

1. Ito ay nakakapagpalakas ng Immune System

Ang isang serving ng itlog ay may 59 percent ng recommended dietary intake ng selenium na makakapagpalakas ng inyong immune system. Mahalaga ito lalo na sa mga pasyenteng kakagaling lamang sa sakit at madalas na walang gana o tila nanghihina. Ang pagkain nito ay makakatulong sa kanila na mabigyan din sila ng lakas at bumalik ang maayos na immune system.

2. Nakakatalas ito ng ating Memory

Ang pagkain ng dalawang itlog sa isang araw ay importante lalo para sa mga estudyante dahil ito ay nakakatulong na mabigyan tayo ng sharp memory. Mayroon itong vitamin-like substance na 'Choline' kung saan nakakapagmaintain ng ating healthy cell membranes.


3. Punong-puno ito ng Vitamin D

Mahirap makakuha ng sapat na Vitamin D lalo na ngayon dahil kadalasan tayo ay hindi naman naarawan sa umaga, at kung sakali man na maarawan tayo ay delikado na rin sa ating balat dahil sa narin sa harmful rays ng araw. Kaya naman sa pagkain ng itlog ay makakatulong ito na maka-boost ng vitamin D sa ating katawan na importante para sa ating buto at ngipin.

4. Ito ay Good for the Blood

Ang itlog ay may sapat na folate kung saan isa itong type ng Vitamin B na kailangan para sa new red blood cells ng katawan. Kaya naman kung gusto niyo ng maayos na flow ng dugo ay kumain kayo ng dalawang itlog sa isang araw.

5. Nakakapagpalinaw ng ating mata

Ang pagkain ng dalawang itlog sa isang araw ay sapat na upang mapanatili ang pagiging malinaw ng ating mata dahil ito ay punong-puno ng lutein kung saan nakakatulong upang magkaroon ng malinaw na paningin.

source:facebook

0 comments

Post a Comment