Friday, 9 November 2018

7 Foods That Will Help Remove Parasites In Your Body

Ang mga parasito ay mga maliliit na elemento na humahalo sa ating mga pagkain na nagiging dahilan ng ating pagkakasakit. Importanteng malaman natin kung paano maiiwasan na makontamihan ang ating mga pagkain ng mga parasito. Sinasabi ng World Health Organization na aabot sa 50 milyong katao ang apektado ng mga parasito at aabot naman sa 40,000 hanggang 100,000 na katao ang namamatay kada taon dahil sa sakit na nadudulot ng mga parasito.
Paano nga ba tayo nagkakasakit dahil sa mga parasites?

Ang pagiging hindi malinis sa katawan, maduming tubig, at mga halagang hayop ang karaniwang sanhi kung bakit nagkakaroon tayo ng mga parasito sa ating mga pagkain kung kaya’t nakakapasok ito sa ating katawan. Naninirahan ang mga parasito sa ating digestive system at kinakain nila ang mga pagkaing kinakain natin na mayaman sa carbohydrates, sugar, mga hilaw na karne at isda, at mga prutas at gulay na hindi nahugasan ng maayos.
Sintomas at uri ng mga parasito
Ang mga sintomas na may parasito ka sa katawan ay ang mga sumusunod: pananakit at pamamaga ng tiyan, diarrhea, pagkakaroon ng dugo sa duming inilalabas, allergy, pangangati, kakulangan sa dugo at pamumutla, at depresyon.
Ang mga human parasites ay nahahati sa dalawang kategorya: ang protozoa at helminthes na naapektuhan ang 1/6 ng populasyon sa mundo. Narito ang ilan sa mga uri ng parasito na madalas makita sa katawan ng tao:
Giardia intestinalis ,Cryptosporidium parvum, Enteremoeba coli, Entomoeba histolyca
Dientomeba fragilis, Blastocystishominis, Endolimaxnana
Ngunit paano nga ba natin matatanggal ang mga parasitong ito sa ating katawan? Narito ang mga natural at mabisang pagkain na makakatulong upang matanggal ang mga parasito sa ating katawan.
Sunflower Seeds

Nakakatulong ito para paalisin ang mga parasito sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpigil nito sa mga parasito sa pagdami at pag penetrate sa ating katawan.
Niyog at sibuyas

Maliban sa pagpapasigla ng ating timbang, naglalaman rin ito ng mga elemento na makakatulong upang mabawasan ang mga parasito sa ating katawan.
Buto ng Papaya

Mainam ito sa paglaban sa mga parasito dahil mayroon itong antihelminthic at antiamoebic activities. Mas magiging epektibo ito kapag kinain kasama ng pulut-pukyutan.
Bawang

Madaming gamit ang bawang bilang gamot sa iba’t-ibang uri ng sakit at isa na rito ang pagbawas ng mga parasito sa ating katawan. Madami ding pagaaral ang nagpapatunay na may magandang pagkakaugnay ang bawang at ang oras ng pagalis ng parasito sa katawan, maliban dito may kaugnayan din ang bawang sa pagkamatay ng mga parasito.
Pinya

Naglalaman ang pinya ng bromelain na tumutulong pumatay ng mga parasito at nagpapasigla ng ating digestive health.
Fermented foods

Ang mga fermented foods ay mayaman sa probiotics na nakakatulong na labanan ang mga masasamang elemento sa ating tiyan at pinapalitan ito ng good bacteria. Ang ilan sa mga produktong ito ay mga dairy products kung saan kinuha mula sa mga bakang damo lang ang kinakain, kimchi, sauerkraut at mga fermented vegetables.
Itong ang isang recipe ng smoothie na naglalaman ng lahat ng sangkap na nabanggit. Tinatawag itong The Parasite Smoothie Terminator.
Mga sangkap
Isang tasang pinya ,Isang tasang papaya,Kalahating tasa ng sunflower seeds
Tatlo ng kutsara ng coconut yogurt, Isang kutsaritang turmeric powder, Kalahating tasa ng yelo, Isa’t kalahating tasa ng coconut water, Isang tasang tubig
Ilagay lang sa blender ang lahat ng sangkap hanggang nahalo na itong mabuti.

THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED

0 comments

Post a Comment