Saturday, 3 November 2018

Aso, sumakay sa jeep para hanapin ang amo. Viral ngayon



Isang viral video sa social media ang kumakalat dahil sa kakaibang ka-cutean ng asong kitang naki-commute sa isang jeep.

Sa Facebook post ni Nova Tapuyao, parang pasahero ang isang ‘aspin’ habang lulan ng isang jeep sa Cebu.

Dumudungaw pa sa labas ang aso na tila may sinisipat.

Ang siste, ang katabi palang kotse ng pampasaherong jeep ay mula sa may-ari ng cute na aso na may pangalang ‘Vince’.




Biglang lumabas ang isang ale at pinababa ang aso, na game naman na sumama at nakabalik sa kanyang mga amo.

WATCH:




source:abante

0 comments

Post a Comment