Thursday, 1 November 2018

Binatilyo, nasabugan ng vape sa bibig


-Sumabog sa mismong bibig ng binata ang kanyang nabiling second hand na vape

- Masama ang loob ng ina niyang pinaghahanap na ang binilhan ng vape ng kanyang anak

- Lagas ang mga ngipin, maga ang bibig at nasugatan ang mata dahil sa pagsabog

Pagkakita ko sa anak ko, umiyak ako kasi hindi maganda ang lagay ng anak ko," bungad ni Grace Sardea, ina ng binatilyong nakilala na si Jeffrey na nasabugan ng vape habang gamit ito.

kalunos-lunos ang sinapit ni Jeffrey na nalagasan ng ngipin, sugatan ang mata at magang maga ang bibig dahil sa naturang insidente.

Kwento pa ni Grace, second hand lang umano ang vape na ginamit ng kanyang anak. Ilang araw ding nagamit ni Jeffrey ang vape bago ito nagsimulang pumalya.

Dahil dito, nakipagswap di umano ang biktima ng baterya ng vape online.

Matapos makuha ang bagong baterya sa ka-meet up, agad niya itong sinubukan at sa kasamaang palad bigla na lamang itong sumabog. 





"Ibig sabihin, hindi match ang battery na 'yun dun sa vape na 'yun,"pahayag ni Grace.

Sa tindi ng galit ng ina, nagawa niyang ibuhos ang saloobin sa kanyang Facebook. Na-bash pa siya at sinabing di ito totoo.

"Sana naiintindihan niyo side ko. Bilang magulang kasi, mahirap kung mangyayari ito sa pamilya niyo," dagdag pa ni Grace.

Nananawagan at pinaghahanp ngayon ng ina ni Jeffrey ang swap nito online. Naniniwala siyang may pananagutan ito sa sinpit ng kanyang anak.

Sa ngayon, nagpapagaling pa rin ang binatilyo at inoobersabahan pa ang mga sugat na natamo.


source:facebook

THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT
INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO
YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID
IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.

0 comments

Post a Comment