Friday, 9 November 2018

Effective na Paraan Para Mawala ang mga Peklat sa Balat Alamin.


Gustong gusto mo bang nagsusuot ng mga medyo maikling dress, O kaya naman ay magshorts pero nahihiya ka na dahil marami nang peklat sa iyong legs o ankles? Hindi lang ikaw ang may problema nito dahil halos lahat rin ay ito ang kalaban!

Ang pagkakaroon ng maganda at makinis na kutis ay isang katangian na gustong makamit ng marami. Sa kabilang banda, hindi naman natin maiwasan magkaroon ng peklat na hindi lang nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang kutis pati na rin an gating confidence sa pagsusuot ng maikling damit.


Ngunit sa totoo, ang peklat ay hindi masyadong madaling tanggalin at kelangan ng mahabang pasensya para lamang mawala ito. Meron namang mga pantanggal ng peklat tulad ng creams pero ang mga ito ay mahal at ang iba ay peke kaya naman mas maganda na gumamit nalang ng natural na mabisang pang-alis ng peklat.

Kung hirap ka maghanap ng creams na ipapahid, mayroon namang mga kagamitan na nasa inyong kusina lamang basta alamin lamang ang dapat gawin bago pa man ilagay ito sa iyong sugat.

Narito ang ilang halimbawa na galing sa ilang dermatologist gamit ang mga natural na produkto:

1. Honey

Ang honey ay nakakatulong sa pagpabuti ng kondisyon ng balat, hindi lamang sa pwede itong maging moisturizer ng balat kundi nakakatulong rin sa paggamot ng mga sugat. Para sa paggamit, ihalo ito sa two tablespoon na baking soda at siguraduhing parehas sila ng sukat ng honey, ilagay ito sa iyong peklat sa loob ng tatlong minute pagkatapos nito lagyan ng warm compress ang apektadong area at kapag lumamig na, alisin ito kasama ang honey mixture na nasa iyong sugat.

2. Lemon


Kung ang peklat mo ay dahil sa pagkapaso o aksidenteng pagkahiwa, mabisa ang paggamit ng Lemon juice dahil mayroon itong properties na makakawala ng iyong peklat. Sa kabila nito, kailangan mo pa rin tandaan na ang lemon juice ay medyo sensitibo sa araw, kaya siguraduhing gumamit ng sunscreen kung ikaw ay lalabas ng bahay habang ginagamit ang treatment na ito. Lagyan lamang ng isang kutsarang lemon juice ang cotton ball at iwan ng sampung minute sa iyong peklat at banlawan ito. Gawin ito ng dalawang beses, isang araw para maganda ang resulta.

3. Aloe vera


Mas kilala ang Aloe Vera sa pagpapatubo ng buhok, pagrereduce ng blood cholesterol at kahit sa pagiwas sa c****r. Pero pwede rin pala itong panggamot sa sugat at para mawala ang peklat. Nakakatulong ang Aloe Vera sa pagrepair ng mga nasirang skin cells, pag-alis sa d*** skin at nakakabawas rin ng pamamaga o pamumula. Mayroon siyang anti-inflammatory properties na makakabawas ng skin irritation at patibayin ang bagong cells. Para magamit kailangan lang imasahe sa may sugat na parte ng ilang beses sa isang araw.

4. Yogurt

Ang yogurt ay mabisa na panggamot ng peklat sa legs dahil kapag nilagay mo ito sa iyong sugat ng mabilisan, mabilis itong matuyo at mabilis ring pagalingin ang iyong sugat. Bilang resulta nito, ang mga peklat ay hindi na masyadong nahahalata at ang pagkapaso ay nabawasan. Ang kailangan mo lang gawin ay lagyan ng yogurt ang may sugat na parte ng katawan araw araw hanggang sa hindi na kita ang peklat.

5. Papaya

Hindi lamang ito pantanggal ng gutom pati na rin sa mga skin conditions tulad ng sugat o peklat. Sabi ng nakararami o mga nakatatanda ay kapag gumamit nito ay kikinis ang balat, isa itong katotohanan dahil mayroong enzymes ang papaya na nagrerestore at rejuvenate ng skin cells na pwede ring panggamot ng peklat. Para gamitin ito, balatan lang ang papaya at ihiwalay ang juice nito, ilagay ito sa iyong peklat sa loob ng ilang linggo.


Ang paggamit sa mga natural na remedies na ito ay walang masamang maidudulot sa iyong balat kaya huwag na mag-alala at subukan na ito. Maaaring mabigyan ka nito ng inaasam mong “flawless legs” at makapagsuot na ng damit na gusto mo ng hindi nag-aalala sa makikitang peklat sa katawan.

source:facebook

0 comments

Post a Comment