Monday, 5 November 2018

Watch: Nag viral sa social media ang bagong silang na kambing dahil sa kakaibang anyo at kulay nito

KAKAIBANG KAMBING, ISINILANG SA BAGUMBAYAN, SULTAN KUDARAT
BAGUMBAYAN, SUL. KUDARAT- Palaisipan pa rin hanggang ngayon sa mga nag-aalaga ng isang inahing kambing sa Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat kung paanong nangyari na ang kapatid ng isang isinilang na kambing ay halos hawig sa isang baboy at isang bata.
Kuwento ni Aling Josephine Estonanto, madaling araw nitong Nov. 1 nang marinig niyang umuungol ang kanyang nag-iisang buntis na kambing. Nang tingnan niya ito, nakita niyang tumatagilid na ang kanyang kambing at naghihingalo na. Dahil dito, nagdesisyon silang katayin ito kesa mamatay na lang, Kinaumagahan ay agad umano nilang kinatay ang nasabing kambing,Habang sinusunog umano nila ang mga balahibo nito ay kapansin-pansin ang paglobo ng tiyan ng kambingKaya, hiniwa na lang agad ang tiyan nito saka kinuha ang mga laman-loob.
Laking gulat umano nila sa nakita sa loob ng tiyan ng kambing.. animo'y teddy bear daw ito. hindi umano nila maipaliwanag kung ito ba talaga ay kambing, baboy o tao. Ipinakita pa nila ito sa kanilang mga kapitbahay kung maniniwala sila na kambing nga ito, ngunit karamihan umano sa nagsabi na baboy at tao ito.
Bagamat, gusto pang i-preserve ang naturang kambing para dalhin sana DA o ibang ahensiya para ipasuri ay inilibing na din ito kinabukasan. Paliwanag ni Aling Josephine na wala umano silang mga gamit para ma-preserve ito at access sa DA para agad madala dito. Dagdag ni Aling Josephine, ikatlong beses na nitong kambing na manganak mula noong inalagaan nila ito.
Nitong huling pagpanganak umano niya ay medyo nahirapan din ang nasabing kambing. Katunayan sa tatlo nitong anak ay namatay ang isa. Hanggang ngayon umano ay iniisip pa rin niya kung bakit nagkaganito ang kanyang kambing. Ngayon lang din kasi siya nakakita ng ganito. Maliban sa ilang kalabaw at baka, Wala naman umanong ibang mga hayop sa palibot nila tulad ng kambing at baboy. Katunayan, ibinyahe pa nila ang kambing na ito para ipa-breed.
Kaya ang ilang mga kalalakihan sa lugar ay naging tampulan tuloy ng tukso sa kung sino ang tatay ng nasabing kakaibang kambing. Umaasa naman sila na sa pamamagitan ng pagpost nila ng larawan at video ng nasabing kambing ay makarating sa DA ang litrato atmaliwanagan sila sa kung bakit nagkaganito ang kanilang alaga.
Watch the Video Here:
Source: Facebook
THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED

0 comments

Post a Comment