Monday, 12 November 2018

Isa sa mga naloko ni Mader Sitang ay si korina na lumabas pa sa kanyang programa

Lumabas ang katotohanan na manlilinlang ang kiyeme-kiyemeng social media sensation na si Mader Sitang, ang Thai na bumisita sa Pilipinas noong nakaraang buwan at binigyan ng VIP treatment at grand welcome ng mga Pilipino.
Lawyer na philantorphist ang maingay noon na pralala tungkol kay Sitang dahil tumulong daw ito sa mga biktima ni Typhoon Yolanda pero nag-deny na ang Pinoy businessman na nagdala sa kanya sa Pilipinas.
Drawing lang ang pralala na abogado ang hindi naman nakakatawa na Thai transwoman at lalong hindi siya matulungin na tao, lalo sa mga Pilipino.
Noon pa man, marami na ang may duda na hindi totoo na social media sensation si Sitang dahil hindi siya kilala ng mga Thai na tinanong ng isang Pinoy reporter.
Never heard ng kanyang mga kababayan si Sitang na pinatulan at pinasikat ng mga Pinoy dahil umapir pa siya sa show ni Korina Sanchez
Ano kaya ang magiging pakiramdam ni Mama Koring kapag nalaman nito na fake lawyer si Sitang at nagamit pa ang programa niya sa pagkakalat ng kasinungalingan ng Thai transwoman?
Ang guesting sa Rated K ang isa sa mga ipinagmamalaki ni Sitang at ginagamit nito na ebidensya na big star siya sa Pilipinas.
Well, nagkamali ng niloko si Sitang dahil hindi pinalampas ng mga Pinoy ang mga kagagahan niya. Kaliwa’t-kanan ang mga batikos sa kanya mula nang ibulgar ng Pinoy businessman ang mga kalokohan at pagiging mukhang datung niya.
May panawagan nga na ideklara na persona non grata sa Pilipinas si Sitang na binigyan din ng ilusyon na gagawa ng pelikula kasama si Vice Ganda.
Source: Philstar

0 comments

Post a Comment