Friday, 2 November 2018

Maitim ba ang iyong kilikili, siko at tuhod? simple lang ang lunas dyan.


Madalas bang mahaba ang manggas ng damit mo at laging nakapantalon dahil itinatago mo ang maitim na kilikili, siko at tuhod? Alamin ang mga lunas sa problemang ito na nakababawas minsan sa kompiyansa ng tao.

Sa programang "Pinoy MD," sinabi ng resident dermatologist na si Dra. Jean Marquez, na isa sa mga dahilan ng pangingitim ng kilikili ay ang paggamit ng deodorant na mataas ang alcohol content.

Nagdudulot din ng pangingitim ng kilikili ang madalas na pag-ahit ng buhok dito na nagdudulot ng iritasyon sa balat.

Samantala, ang madalas namang pagkiskis ng siko sa mesa ang nagiging sanhi ng pangingitim ng siko, habang ang madalas na pagluhod ang dahilan ng pangingitim ng tuhod.


May masama rin umanong epekto ang sobrang paggamit ng body scrub, lalo na kung matapang ang inilalagay na kemikal at hindi nalalagyan ng moisturizer.

Para maiwasan at mabigyan ng solusyon ang mga problema sa pangingitim ng balat sa nabanggit na bahagi ng katawan, panoorin ang talakayan tungkol sa kalusugan ng "Pinoy MD:"



source:gma

0 comments

Post a Comment