Friday, 9 November 2018

Masligtas nga bang isilang ang premature baby ng 7 months kaysa 8 months?Watch


May ilan na naniniwala umano na mas mabuting isilang ang premature baby sa ika-pitong buwan nito sa sinapupunan ng ina kaysa nasa ika-walong buwan dahil sa paniwala na mas malaki ang tiyansa ng sanggol na mabuhay. Tama ba o mali ang akalang ito? Alamin ang paliwanag sa programang "Pinoy MD."

Ayon kay resident obstetrician-gynecologist na si Dr. Raul 'Dr. Q.' Quillamor, mali at walang katotohanan na mas mabuti at mas malaki ang tiyansa ng premature baby na nabuhay kung isisilang ito sa ika-pitong buwan kaysa ika-walong buwan.

Paliwanag niya, ang isang sanggol ay dapat na manatili sa sinapupunan ng ina sa loob ng pregnancy period na 38-42 weeks o siyam at kalahating buwan bago magsimula ang "labor" o pananakit ng tiyan ng ina para magsilang.

Ang mga sanggol na iluluwal ng pito o walong buwan ay mga premature baby.


Pero kung hindi maiiwasan ang paglabas ng premature baby, mas mabuti umano at mas mataas ang tiyansa na mabuhay ang baby na walong buwan sa sinapupunan kaysa sa pitong buwan.

Samantala, sinagot din ni Dr. Quillamor ang iba pang tanong tulad sa mga sintomas o mga nararamdaman ng mga mayroong ovarian cyst. Panoorin ang naturang episode.


source:gma

0 comments

Post a Comment