Thursday, 15 November 2018

May Mga Benepisyo palang Maaaring Makuha Sa Pakikipagsiping Sa Iyong Asawa?Read


Mayroong iba't ibang paraan ang bawat mag-asawa upang mapapatatag ang kanilang pagsasama. Nariyan ang pagbobonding, pagbabakasyon, pagtuklas ng magkaparehang interes, at iba pa. Ngunit ang pakikipagsiping sa iyong asawa ay isa rin sa mga paraan upang mapatatag ang inyong relasyon. Ito rin ay isang sagradong gawain ng mag-asawa upang mapanatiling malusog ang kanilang piskal at s3kswal na pangangatawan.

Kaya narito ang mga mahahalagang benepisyong maaaring makuha sa pakikipag-loving sa inyong asawa!

1. Nakakatulong sa maayos na pagtulog

Nakakatulong ang pakikipagloving sa inyong asawa upang makatulog ka ng mabuti. Dahil nailalabas ng iyong utak ang mga stress-relieving chemicals nan nakakapagpabawas ang stress at mas narerelax ang iyong katawan.

2. Nakakasunog ng calories

Dahil ito ay parang isang uri na rin ng ehersisyo, nakakatulong din ito sa pagsunog ng mga calories sa katawan. Pinapbilis nito ang tibok ng iyong puso, kasama ng paggalaw ng mga iba't ibang muscles sa katawan.

3. Nakakapagpatatag ng immune system

Nakakatulong ang pakikipagsiping sa inyong mag-asawa na palakasin ang inyong immune system upang malabanan ang mga sakit at maproteksyunan ka mga impeksyon.

4. Nakakapagpabawas ng stress

Nakakatulong din pala ito na pababain ang iyong blood pressure at stre
ss levels ng katawan. Dahil ito sa mga kemikal na narerelease ng katawan habang ginagawa ang akto.

5. Napapanatili kang mas bata

Ang mga mag-asawang may active romatic life ay mas namumuhay ng masaya at matatag ang relasyon. Ayon sa mga research, ang paraan ng love making ay nakakapagrelease ang katawan ng endorphins na tumutulong upang maboost ang produksyon ng vitamin D na nakakapagpanatiling malusog at mas bata ang balat.

6. Nakakapagimprove ng fertility

Ang fertility ay ang kakayahan upang makapagdalang tao. Nakakatulong ang pakikipagsiping na iregulate ang menstrual cycle ng babae upang mas mapadali ang pagbubuntis.

7. Nakakapag-improve sa overall well being ng mag-asawa

Ang pagkakaroon ng intimate time ninyong mag-asawa ay mahalaga upang mapanatili ang inyong pangkalahatang kalusugan at relasyon. Ang pagkakaroon ng positive relationship ang siyang susi sa maayos na pagsasama.

source:facebook

0 comments

Post a Comment