Sunday, 25 November 2018

Mga Natural Tips na Pwede Ninyong Subukan Para Madagdagan ang Inyong Tangkad! Basahin


Naghahanap ng natural na pamamaraan para sa karagdagang katangkaran? Ang artikulong ito ay makatutulong sa iyo. Sa patuloy na pagbabasa rito malalaman ang mga kailangan na gawin para maragdagan ang iyong sukat.

Height, ito ay isang mahalagang aspeto na tumutukoy sa kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. Bagaman kahit maliit lamang na tao ay hindi ito nagiging dahilan para maging mahina sa mga kakayahan na maaaring matamo ng isang tao. Ngunit kadalasan ay nagiging sentro ng atensyon ang mga maliit na tao kaysa sa matatangkad.

Kaya ang mga ilang maliliit na tao ay nawawalan ng kumpiyansa sa kanilang sarili at nahihirapan sa ibang mga pagsubok na riyalidad sa aspeto ng buhay.

Nasa dalawampung porsiyento o mahigit ang pagtaas ng katawan na nakadepende sa ating kapaligiran, gawain sa buhay at sa diyeta ng kinakain. Kaya kung gusto mong madagdagan ang iyong tangkad ay sundin lamang ang mga natural na pamamaraan na mababasa sa ibaba.


Narito ang Limang pamamaraan na makatutulong sa iyo:

1. Siguraduhin na may sapat na tulog

Ang tissue sa katawan na siyang maghahatid ng paglaki ng tao. Sundin ang sumusunod:

-Una, Sa mga batang sanggol hanggang sa pagdadalaga at binata ay kailangang may sapat na tulog na labing apat hanggang labing isang oras para sa mabilis na paglaki.
-Pangalawa, Nasa sampu hanggang walong oras naman ng pagtulog ang mga nasa edad na dalawampu at mahigit.
-Pangatlo, tiyakin na maayos at tahimik ang kapaligiran

Karaniwan nating naririnig sa mga nakakatanda na kailangan matulog para sa mabilis na paglaki. Ito ay isang napakalaking katotohanan. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay tumutulong upang mapabilis ang paglaki ng isang tao.

2. Siguraduhin na laging nag eehersisyo

Isa sa magandang paraan para madagdagan ang height sa natural na pamamaraan ay ang pagiging physically fit at aktibo na bata. Ang regular na pag-eehersisyo at pagkahilig sa mga iba’t ibang laro ay napapahusay ang pagtaas ng tao. Nagtataglay ng malusog na nutrisyon ang taong aktibo na siya namang nagreresulta ng pagtangkad nito. Ang pagkahilig sa mga larong nauugnay sa stretching ay nakatutulong sa paglaki ng isang tao.

Mga halimbawa:

-basketball
-swimming
-aerobics

3. Mag Yoga at Meditate

Matutulungan ang iyong kalusugan, mailalayo sa mga uri ng sak!t at maghahatid pa ng karagdagan sa ating laki. Kailangan na iwasan:

-junk food
-pagkaing sobra sa asukal at maalat
-softdrinks

Dapat na kainin ay ang mga mayaman sa bitamina at minerals tulad ng:

-itlog, tofu, keso, at karne
-asparagus, mani, oyster
-gatas

Mahusay itong paraan para matulungang madagdagan ang iyong laki. Pinabubuti ng yoga ang kabuuang kondisyon ng katawan na siyang nagpapalakas, nagpapatibay at nakakapagpadagdag ng tangkad ng isang tao. Naayos rin nito ang tamang postura ng katawan. Nakakawala rin ito ng pagod na nakakaapekto sa ating paglaki at kalusugan.

Halibawa ng Yoga:

-Triangle Post
-Cobra Pose
-Mountain Pose
-Pleasant Pose


4. Siguraduhin na may sapat na balanced diet

Ang mga kinakain natin ay nakatutulong sa ating paglaki. Ngunit ang sobrang pagkain ay nakakapinsala sa ating kalusugan. Kaya sa pagkakaroon ng balance diet ay prutas at mga berdeng gulay.

5. Laging tumayo ng tuwid at umupo ng maayos

Ang hindi tamang pagtayo ay nakakapagpaliit ng height. Kaya ang taong may maayos at tamang postura ay nagreresulta ng pagtaas ng isang tao o nakakaragdagang laki. Ang pagkakaroon ng tuwid na gulugod at malakas na likod ay nakatutulong para mapataas o madagdagan ang iyong tangkad. Kailangan na gawin para sa pagtaas ng laki at pagganda ng postura.

-Una, Kung ikaw ay nakatayo, panatilihing nakatayo ng tuwid sa pamamagitan ng diretsong balikat at baba.
-Pangalawa, Tuwing nakaupo ay kailangan na sumandal sa upuan ng diretso at kung hindi naman nakasandal, ituwid ang balikat.
-Pangatlo, subukang mag-yoga para maging maayos ang postura.

source:facebook

0 comments

Post a Comment