Wednesday, 28 November 2018

Mga pangangailangan ng mga kalalakihan na dapat nating maibigay sakanila. Alamin


Ang mga lalaki, minsan ay nag-aalangan na sabihin sa kanilang partner/misis/girlfriend kung ano nga ba ang mga pangangailangan nila sa inyong relasyon. Imbes na pag-usapan ito ay mas pinipili na lang nilang manahimik at huwag nang pag-usapan.

Upang maging isang mabuting partner, dapat ay alamin mo kung ano nga ba talaga ang pangangailangan ng iyong mister sa inyong relasyon upang hindi mauwi sa hindi pagkakaintindihan at pagkakaunawaan. Narito at alamin ang mga mahahalagang bagay na ito!

1. Atensyon

Sa lahat ng relasyon, nangangailangan ang bawat isa ng atensyon. Dahil ito ang nagsasabing may concern ka o paki sa iyong kapareha. Dapat ito ay huwag mawala dahil baka maghanap ng atensyon ang iyong partner sa iba.

2. Appreciation o Pagpapahalaga

Karamihan sa mga lalaki ang nagrereklamo na hindi sila napupuri o naappreciate ng kanilang mga partners. Sila ay may tinatawag na "male ego" na dapat bilang isang babae ay iyong pinapangalagaan. Gusto nilang naririnig na pinupuri sila sa mga magandang bagay na nagagawa nila. Dahil ito ang nakakadagdag sa kanilang pagkalalaki.

3. Respeto

Kailangan ng bawat tao ang respeto mapa babae man o lalaki. Ang pagrespeto sa iyong partner ay ibig sabihin na siya ay importante sayo at pinapahalagahan ang kanyang mga ideya, emosyon, desisyon, space, at privacy.

4. Intimacy

Bukod sa pangangailangang s3kswal, kailangan din ng mga lalaki ang isang babaeng kanilang mapagkakatiwalaan at hindi sila huhusgahan sa kanilang kahinaan. Ito ay tinatawag na emotional intimacy.

5. Space

Kahit gaano pa kayo kaclose sa isa't isa at gustong magkasama ang isa bawat oras ay kailangan niyo ring dalawa ng space upang mag-grow ang inyong relasyon. Kung ang mga babae ay kailangan paminsan minsan ang "girl time," kailangan din ng mga lalaki ang kanilang personal space para magawa ang mga ibang bagay. Huwas ipagkait sa kanya ang oras para sa kanyang mga kaibigan ngunit huwag lang naman siyang sosobra.

6. Tiwala at Pagmamahal


Lahat ng relasyon ay kailangan ang dalawang ito, ang tiwala at pagmamahal at dapat palagi itong present sa inyong relasyon. Walang pagmamahal kung wala kang tiwala sa iyong partner. At kung hindi ka nagtitiwala sa kanya, wala na ring saysay ang pagmamahal. Kaya ipakitang pinagkakatiwalaan mo siya at ganun ka rin sa kanya.

source:facebook

0 comments

Post a Comment