Friday, 2 November 2018

Mga paraan para malunasan ang 'di kaaya-ayang amoy sa katawan o body odor, Watch!


Isang Kapuso sa social media ang dumulog sa programang "Pinoy MD" upang humingi ng payo kung ano ang maaaring gawin para mawala ang body odor ng kaniyang anak. Mayroon ding nagtanong tungkol sa usapin ng skin asthma.

Ayon sa resident dermatologist ng "Pinoy MD" na si Dr. Jean Marquez, ang kalinisan sa katawan ang pinakamabisang paraan upang mawala ang hindi kaaya-ayang amoy sa katawan.

Inirekomenda niya ang paggamit ng mga antibacterial soap sa paliligo.

At dahil ang pawis umano na naiiwan sa balat ang pinagmumulan ng masamang amoy, makabubuti raw na maglagay ng baby power o baking soda sa balat para masipsip nito ang pawis.


Dahil kadalasan na ang mga kumakain ng "red meat" ang nagkakaroon umano ng body odor, makabubuting bawasan ang pagkain ng karne at kumain ng mga gulay.

Hindi naman inirerekomenda ng duktora ang paggamit ng matatapang na deodorant, lalo na sa mga bata, dahil posibleng magkaroon ito ng masamang epekto sa balat.

Ipinaliwanag din ni Dra. Marquez ang nangyayari sa mga batang nagkakaroon ng skin asthma. Panoorin ang video:


source:gma

0 comments

Post a Comment