Thursday, 8 November 2018

Watch: Narito Ang Mga Paraan Upang Hindi Agad Mapanis Ang Inyong Kanin

Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin ngayon, kailangan na nating maging wais sa buhay. Kailangan din nating maging mapamaraan at matipid upang mapagkasya natin ang ating pera. Katulad na lamang ng mga simpleng pagtitipid ng kanin at kung paano maiiwasan na mapanis ito.
Ibinahagi ng secretary general ng Agham na si Feny Cosico sa programang Unang Hirit ng GMA News ang ilan sa mga pamamaraan ng tamang pagsasaing at tamang paggamit ng kaldero sa pagluluto upang maiwasang mapanis agad ang niluto.
Lagyan ng tamang dami ng tubig ang bigas at kung ang bigas ay medyo luma, dagdagan ng sapat na dami upang maiwasan ang pagtigas ng sinaing. Siguraduhin ding maayos ang pagkakalinis ng bigas para hindi masama sa sinaing ang mga “contaminants” katulad ng bukbok.
Siguraduhing malinis ang gagamiting kalderong pangsaing. Maaaring may lamang mikrobyo ang kalderong iyong ginagamit kapag lagi itong napapanisan. Kapag napapansing ganito ang laging nangyayari, mangyaring pakuluan ang ang inyong kaldero upang maalis ang mga mikrobyo.
Dahil sa kakayahan ng suka na mag preserba ng mga pagkain, maaaring lagyan ang inyong sinaing ng isa hanggang dalawang kutsarang suka. Ngunit tansiyahing mabuti ang paglalagay ng suka upang hindi maapektuhan ang kabubuang lasa ng inyong sinaing.
Maaari ring iangat ang takip ng kaldero nang panandalian upang makasingaw ang sinaing at maiwasan ang pamumuo ng moisture na nagiging dahilan ng pagkapanis ng sinaing.
Sa ganitong mga paraan, maaari nating mapahaba ang “shell life” ng kanin para magamit pa ito hanggang buong araw. Maliban dito, marami ang nasasayang ng kanin dahil madali itong mapanis.
Kung kaya’t sa pamamagitan ng mga paraang ito, malaki ang inyong maaaring matipid sa pangaraw-araw na gastusin na maaari niyo pang magamit para sa inyong ibang pangagailangan sa loob ng inyong bahay. Dahil mainam nang maging wais lalo na sa panahon ngayon nagtataasan na ang mga bilihin.

THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED

0 comments

Post a Comment