Friday, 30 November 2018

Pa­ngulong Duterte WINARNINGAN ang pamilya Parojinog na uubusin kapag hindi tumigil sa kanilang iligal na gawain at pananakot sa mga tao.



WINARNINGAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pamilya Parojinog na uubusin kapag hindi tumigil sa kanilang iligal na gawain at pananakot sa mga tao.

Ang banta ay ginawa ng Pangulo sa mismong baluwarte ng mga Parojinog sa Ozamiz City matapos pangunahan ang groundbreaking ng airport modernization project, Miyerkoles nang gabi.

Sinabi ng Pangulo na kapag patuloy na nagsisiga-sigaan ang mga Parojinog ay tatapusin niya lahat ang mga ito.

“The Parojinog fami­ly, stop thre**ening people. I will wipe you from the face of the earth. I’m telling you. I will really finish all of you,” anang Pangulo.


Kasama ring binantaan ng Presidente ang mga pulis na nakiki­pagsabwatan sa mga Parojinog na umano’y nananakot sa mga saksi kaugnay sa mga kasong kinakaharap ng mga Parojinog kaugnay sa iligal na dr*ga.

“You better watch out. I’ll have you called in Manila. When you arrive at the airport, I’ll have you ki**ed. L******nyo,” dagdag ng Pangulo.

Nabatid ng Pangulo kay Congressman Henry Oaminal na nakakatanggap ng mga pagbabanta ang mga saksi laban sa pamilya Parojinog at hindi tumitigil ang mga ito sa kanilang pananakot.


Bukod dito, patuloy pa rin umano ang kalakaran ng iligal na dr*ga sa Ozamiz City kaya nagpasya ang Pangulo na ibalik sa lungsod si Police Superintendent Jovie Espenido.

Matatandaang si Espenido ang naglunsad ng anti-dr*g operations sa bahay ni dating Ma­yor Ronaldo Parojinog na nagresulta sa pagkam*tay nito at pagkaaresto sa kapatid at anak nito.

source:abante

0 comments

Post a Comment