Thursday, 8 November 2018

Senator Aquino, hindi kuntento sa taas sa sweldo,


Hindi sapat para kay Senator Bam Aquino ang P25 na taas-suweldo sa National Capital Region o NCR.

Giit ni Aquino, dapat itong samahan ng iba pang hakbang na magpapababa sa presyo ng bilihin, kabilang ang suspensiyon ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

kaugnay nito umaasa si aquino na gagawing prayoridad ng Kongreso ang pagpasa sa Bawas Presyo Bill.



Layunin nito na otomatikong suspindehin ang koleksiyon ng excise tax sa langis na nakapaloob sa train law kapag lumampas ang inflation rate sa target ng pamahalaan ng tatlong sunod na buwan.

Ipinaliwanag ni aquino na maliban sa presyo ng pamasahe, ay malaki din ang epekto ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin sa merkado.
source:rmn

0 comments

Post a Comment