Tita Mel Tiangco, gustong itampok ang life story ni Pangulong Duterte sa "Magpakailanman"

Kung mayroon mang isang personalidad na nais si Mel Tiangco na maitampok sa kaniyang Kapuso drama anthology series na "Magpakailanman...


Kung mayroon mang isang personalidad na nais si Mel Tiangco na maitampok sa kaniyang Kapuso drama anthology series na "Magpakailanman," ito ay walang iba kung hindi si Pangulong Rodrigo Duterte.

"Don't you sometimes feel that this guy, there's something mysterious about him. 'Di ba? Hindi mo ba napi-feel 'yung [sa likod ng pagmumura niya], ano ba talaga ang pagkatao ng taong ito? Parang gusto ko na, baka mapalabas ko kung ano 'yung kaniyang pagkatao na ganiyan," saad ni Tita Mel sa pocket press interview para sa 6th year anniversary ng "Magpakailanman" nitong Miyerkoles.


"Kasi ano eh, he is a man of contrast, 'di ba? He is soft-spoken, pero nagmumura?," saad pa ni Tita Mel na "24 Oras" news anchor din.

Para sa month-long celebration ng "Magpakailanman" ngayong Nobyembre, itatampok ang mga kakaiba at "more compelling" na mga istorya ng mga ordinaryong Pilipino.

Nitong nakaraang Sabado (Nov. 3), ipinalabas ang pag-iibigan nina Eloisa at Rene, na 44 taong ang agwat ng edad. Kung kadalasan na lalaki ang matanda sa babae, sa istorya nina Eloisa [76-anyos] at Rene [32], mas matanda ang babae.

Sa susunod na Sabado naman, ipapalabas ang istorya ni Yuki, isang bata na inabandona ng kaniyang Japayuki na ina.

"'Yung mother niya nag-Japayuki, tatlo silang magkakapatid na ipinamigay sila. Siya, pinambayad siya sa taxi, walang maibayad sa taxi 'yung mother niya. Eh hindi naman maganda 'yung napuntahan niya. In short, hinahanap niya 'yung mga kapatid niya," saad ni Tita Mel.

Inihayag din ni Tita Mel na itatampok din nila ang istorya tungkol sa mga seamen na dinukot ng mga Somalian. Ang mga karakter ay gagampanan ng magkapatid na Kapuso matinee idols.

"Malaki 'yun, malaki ang production, parang pelikula," pagmamalaki ni Tita Mel.

source:gma

COMMENTS

Name

Health,6,News,26,video,65,Viral,228,
ltr
item
ViraL Today: Tita Mel Tiangco, gustong itampok ang life story ni Pangulong Duterte sa "Magpakailanman"
Tita Mel Tiangco, gustong itampok ang life story ni Pangulong Duterte sa "Magpakailanman"
https://4.bp.blogspot.com/-PVrznnKQ6PI/W-K7EyXo6CI/AAAAAAAAA34/q5230_1dFI0VR9wmvedWG_ag9bDajifkgCLcBGAs/s1600/mel%2Bat%2Bduterte.png
https://4.bp.blogspot.com/-PVrznnKQ6PI/W-K7EyXo6CI/AAAAAAAAA34/q5230_1dFI0VR9wmvedWG_ag9bDajifkgCLcBGAs/s72-c/mel%2Bat%2Bduterte.png
ViraL Today
http://www.philnewstoday.com/2018/11/tita-mel-tiangco-gustong-itampok-ang.html
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/2018/11/tita-mel-tiangco-gustong-itampok-ang.html
true
8266836349857050181
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy