Thursday, 29 November 2018

Trillanes, pinayagang makalabas ng Bansa


Pinahintulutan ng korte sa Makati si Senador Antonio Trillanes IV na makabiyahe sa ibang bansa.

Sa kautusan na ipinalabas ni Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alameda, pinaglalagak ng korte ang senador ng P200,000 travel bond para sa bawat biyahe niya paalis ng Pilipinas.

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Trillanes na payagan siya ng korte na makabiyahe mula December 11, 2018 hanggang January 12, 2019 at mula January 27 hanggang February 10, 2019.

Para sa kanyang pag-alis sa Disyembre, dadalo ang senador sa mga aktibidad sa Amsterdam, Barcelona at London.






Sa kanya namang pag-alis sa Enero, makikipagpulong ang senador sa mga opisyal ng iba’t ibang grupo at institusyon sa California, Washington at Maryland sa Estados Unidos.

Nakabinbin sa Makati RTC Branch 150 ang kasong rebelyon laban kay Trillanes na nag-ugat sa naganap na Manila Peninsula Siege noong 2007.

source:abante

0 comments

Post a Comment