Viral ngayon ang Guwardiyang namalo ng matandang pulubi na sinita ng mga estudyante. watch

Umani ng batikos sa ilang mga estudyante at sa mga netizens ang isang security guard matapos umano nitong paluin ang isang matandang pulu...


Umani ng batikos sa ilang mga estudyante at sa mga netizens ang isang security guard matapos umano nitong paluin ang isang matandang pulubi sa Malate.

Nakunan ng video ang pakikipagtalo ng ilang estudyante sa naturang guwardiya at ito's mabilis na naging viral.

Ayon sa ulat ni Dano Tingcungco sa "24 Oras", kuha ang video sa bahagi ng Philippine Women's University (PWU) sa Malvar St., Malate, Maynila noong nakaraang Biyernes.

Hindi nakita sa video pero pinalo umano ng guwardiya.

“Kinuha niya 'yung pamalo niya tapos hinataw po niya sa matanda… sa may tuhod po…Doon na po ako lumapit, tapos inawat ko 'yung lalaki. Tinanong ko, bakit niya hinataw?" kwento ng estudyanteng kumuha ng video na tumangging ipakilala.

"Matanda 'yan oh. Tingnan mo oh. Wala namang ginagawa, 'wag mong paluin," maririnig na sinasabi ng estudyante sa video.

“Marunong pala kayo eh, 'di kayo magpaalis," sagot ng guwardiya.

"'Wag kang manakit. Ikaw nga 'yung mayabang diyan, ikaw 'yung nananakit," sabi ng estudyante.

Ayon sa pamunuan ng PWU, sinuspende na raw ng security agency ang naturang guwardiya habang iniimbestigahan ang insidente.


"PWU does not condone any kind of behavior relating to violence," sabi ng director ng Medie Center ng paaralan na si Pia Labrador.

"The sidewalk is supposed to be a walkway, and I think my understanding was the homeless person was lying across the sidewalk.. I’m assuming the part of the job of the security guard is to clear the walkway.”

Sinisikap pang makuha ang pahayag ng guwardiya.

Ayon sa kanyang agency, umamin daw ang guwardiya na nadala siya ng kanyang emosyon.


source:gma

COMMENTS

Name

Health,6,News,26,video,65,Viral,228,
ltr
item
ViraL Today: Viral ngayon ang Guwardiyang namalo ng matandang pulubi na sinita ng mga estudyante. watch
Viral ngayon ang Guwardiyang namalo ng matandang pulubi na sinita ng mga estudyante. watch
https://3.bp.blogspot.com/-jIKpJOBIAlM/W_Sq3PCQmhI/AAAAAAAABIk/2fd9txOTVG0bia_ab2wnJ1XJltxHJI_4QCLcBGAs/s1600/namalo.png
https://3.bp.blogspot.com/-jIKpJOBIAlM/W_Sq3PCQmhI/AAAAAAAABIk/2fd9txOTVG0bia_ab2wnJ1XJltxHJI_4QCLcBGAs/s72-c/namalo.png
ViraL Today
http://www.philnewstoday.com/2018/11/viral-ngayon-ang-guwardiyang-namalo-ng.html
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/2018/11/viral-ngayon-ang-guwardiyang-namalo-ng.html
true
8266836349857050181
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy