Thursday, 22 November 2018

Watch! Anak ng OFW na 6 na taon na umanong minomolestiya ng amain, nasagip


Dahil sa ipinadalang text message, nasagip ng mga awtoridad ang isang dalaga sa Pasuquin, Ilocos Norte, na halos pitong taon na raw minomolestiya ng kaniyang amain. Ang biktima, nagsumbong daw noon sa inang OFW pero hindi siya pinaniwalaan.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, sinabing mismong ang 23-anyos na biktima ang nagpadala ng text message sa hotline ng pulisya.

Sa text message, nakasaad ang paghingi ng tulong ng biktima dahil sa pinasok na naman daw ng kaniyang tiyuhin at may dala pang granada na panakot sa kaniya.

Kaagad namang kumilos ang mga awtoridad at pinuntahan ang bahay ng biktima kung saan naaktuhan nila ang suspek na naka-brief lang at may hawak na granada.


Sinabi pa ng biktima na 16-anyos pa lang siya ay nagsimula na umano siyang molestiyihin ng kaniyang tiyuhin.

Madalas daw siyang hipuan ng suspek habang natutulog siya. Ilang beses na rin daw siyang nagsumbong sa kaniyang inang overseas Filipino worker pero hindi umano siya pinaniwalaan nito.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya.

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek, tulad ng illegal possession of explosives, acts of lasciviousness, at paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, matapos na may makuha sa kaniya na isang sachet na may laman na hinihinalang shabu.


source:gma

0 comments

Post a Comment