Friday, 30 November 2018

Watch: Isang lalakeng kabit nahulog matapos tumakas mula sa bintana ng isang building

Bughaw na kalangitan, naguumapaw na mga ulap, lilim ng mga puno, naglalakihang mga buildings, mga poste sa daan, mga ibon na malayang lumilipad, iyan ang mga karaniwang nakikita kapag tumingala ka sa kalangitan.
Napakaganda nga namang matanaw ang angking ganda ng kalikasan at ang pagsulong ng ekonomiya sa tuwing titingala ka sa langit. Pero, paano kung ganitong sitwasyon na nasa larawan ang tatambad sa iyo?
Kanais-nais pa ba ang iyong nakikita? Malamang ay pinaghalong takot at kaba ang iyong mararamdaman. Tila gusto mong tulungan pero di mo magawa. Pero, mapapaisip ka na lang din talaga kung paano siya nakarating diyan. Paano nga naman siya nasabit sa ikatlong palapag ng building?

Buwis buhay man ang kanyang sitwasyon. Napagalaman na ang gusaling kanyang sinasabitan ay ang lugar ng kanyang kasintahan. Pero maraming espekulasyon sa social media, na siya ay tumatakas sa asawa ng kanyang kasintahan.
Noong una ay makikita ang lakas sa kanyang mga kamay at paa. Kayang-kaya pang ibalanse ang lahat. Pero di rin kinaya at bumitaw din at nahulog sa isang basurahan.
Iba-ibang reaksiyon ang nakuha ng video na ito mula sa mga netizens. Ang iba ay nagsabing maaaring may mental illness ang nasabing lalaki. Pero marami ang nagsasabing hindi inosente ang lalaki at siya ang may kasalanan nito.

Sa kabilang banda, mayroon pa rin namang mga naawa sa kanya at ipinapanalangin na hindi malala ang inabot ng biktima sa kanyang pagkabagsak. Inisip pa rin naman ng mga netizens ang kapakanan ng lalaki sa kabila ng mga di kanais-nais na espekulasyon tungkol sa kanya.
Pero, marami pa rin ang nagsasabing ‘karma’ na niya ito dahil sa kanyang mga ginagawa. Nasabi ng mga netizens na ito na ang karma niya matapos mang-aagaw ng asawa ng iba. Halos sa mga netizens ay nagsabi na nararapat lang ang nangyari sa kanya upang lalong matuto sa mga maling gawain.
Samantala, ang iba naman ay nagsabing hindi nalang dapat sila doon sa apartment ng babae dahil malaki ang tsansang sila ay mahuli. Nagbigay pa ng suhestiyon ang iba kung saan nga ba dapat ito gawin.
Gayunpaman, babalik pa rin ito sa usapan na hindi naman kasi dapat gawin ang pangaagaw ng asawa o kasintahan. Kagaya ng sitwasyon ng biktima, kahit anong kapit mo at anong lakas mo ay mahuhulog ka pa rin dahil mali ang iyong pinaghahawakan. Masaklap pa ay basurahan ang babagsakan mo. Parang sa buhay lamang iyan, kung panghahawakan ang mali, patapon na buhay ang babagsakan mo.
Source: Jeanna Lynne Facebook/Elite Readers
THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.

0 comments

Post a Comment