Monday, 3 December 2018

Ang pag inom ng katas ng Pakwan ay maraming bitamina na magandang idudulot sa ating katawan.


Ang pakwan ay maituturing na isang wonder fruit sa mga tropikal na bansa dahil sa dami ng magandang benepisyong makukuha dito. Ito ay sagana sa bitamina A at C, potassium, carbohydrates, at isa sa mga prutas na nakakapawi ng pagkauhaw dahil 95% ng komposisyon nito ay tubig.

Ang prutas na ito ay magandang pampadiyeta ng mga gustong magpapayat dahil ang laman nito ay puno ng fiber at ang sabaw naman nito ay sagana sa electrolytes. Kaya kung hindi mo pa nasimulang uminom ng watermelon juice, dapat mo na itong subukan!


Preparasyon para sa paggawa ng watermelon juice:

Hugasan at ihanda ang pakwan
Hiwain ang laman nito at ilipat sa isang bowl
Palamigin muna sa ref makalipas ang isang oras
Iblend ang laman ng pakwan, maaaring lagyan ng kaunting lime juice o honey para sa lasa
Inumin
Samantala, narito naman ang kagandahang naidudulot nito sa ating katawan:

1. Epektibong pampapayat

Ang pakwan ay magandang pagkain ng mga taong gustong magdiet at magpapayat dahil taglay lamang nito ay kakaunting fats at halos puro tubig at mineral. Kaya kahit mapadami ang kain mo nito ay hindi ka tataba.


2. Pinapanatali ang kalusugan ng puso

Ito ay nagtataglay ng Lycopene, isang antioxidant na nakakatulong alisin ang mga free radicals sa katawan na nakakapagdulot ng pagkasira ng mga tissues at organs ng katawan.

3. Pampatanggal ng pagod at stress

Ang katas ng pakwan ay isang napakagandang refreshing drink dahil mayaman ito sa vitamin B6. Nakapagbibigay ito ng lakas at upang malabanan ang pagkapagod, stress, at pagkabalisa.

4. Nilalabanan ang mga maagang senyales ng aging / pagtanda

Isa sa mga pinakamahusay na benepisyo ng watermelon juice ay ang kakayahan nitong malabanan ang mga senyales ng pagtanda. Ang nilalaman nitong Lycopene ay benepisyal sa balat dahil isa itong antioxidant na tinatanggal ang mga harmful free radicals sa katawan.


5. Nagbibigay ng enerhiya

Kung ikaw ay galing na mag-workout o mag-ehersiyo, nawawalan ng electrolytes ang iyong katawan kaya tiyak na maganda ang watermelon juice para sa iyo. Dahil tumutulong itong ireplenish ang mga nawalang electrolytes sa katawan partikular na ang sodium at potassium.

6. Natural na moisturizer

Ang kakulangan ng sapat na tubig sa katawan ang dahilan kung bakit nanunuyo at madaling tumanda ang balat. Ang pakwan ay nakakatulong mapanatiling hydrated ang balat upang manatili itong glowing at moisturized.


7. Mabuti para sa tiyan at digestion

Kung problema mo ang konstipasyon o hirap sa pagdudumi, kumain lamang ng pakwan o uminom ng watermelon juice ng regular. Dahil ang fiber nito ay nakakatulong upang mas mapadali ang iyong pagdudumi at mas madaling mailabas ang mga toxins sa iyong katawan.


8. Mine-maintain ang blo0d pressure

Ang watermelon juice ay may taglay na mga electrolytes at amino acid na nakakatulong gawing upang normal ang iyong blood pressure. Iniimprove din nito ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan.

source:facebook

0 comments

Post a Comment