Sunday, 2 December 2018

Epekto Sa Iyong Katawan Kapag Uminom Ka Ng Kape Na Wala Pang Laman Ang Tiyan! Alamin


Marami sa atin ang nakasanayan nang uminom ng kape sa umaga dahil ito ay isang pampagising ng dugo. Talaga nga namang marami ang magandang benepisyong makukuha sa paginom nito.

Pero kung iniinom mo ito na walang pang laman ang iyong tiyan ay dapat mo nang itigil dahil hindi ito maganda para sa iyong kalusugan. Narito at alamin ang maaaring mangyari sayo!

1. Pagdami ng stomach acid

Ang iyong tiyan ay may likas na hydrocholoric acid na siyang tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Kaya kung walang laman ang iyong tiyan at sinabayan mo ito ng paginom ng kape, mas tataas ang level ng iyong stomach acid na maaaring magdulot ng pagsakit ng sikmura at masamang epekto sa iyong tiyan na maaaring mauwi sa iba't ibang karamdaman gaya ng heartburn, irritable bowel syndrome, at stomach ul cer.


2. Bad Digestion

Kapag uminom ka ng kape na wala pang laman ang iyon tiyan, mas madami ang maaabsorb na caffeine sa iyong tiyan at makasira sa maaayos na pagtunaw ng pagkain. Maaari din itong magdulot ng pagiging bloated at pagsakit ng sikmura. Ang ang iyong digestive system ay mas babagal ang metabolismo.

3. Dehydration

Ang kape ay isang natural na diuretic o pampaihi. At kapag iinom mo ito na walang kasamang pagkain, mas mapapadalas din ang iyong pagihi. Maaaring sa paraang ito, madaling madehydrate ang iyong katawan dahil sa pagtaas ng level ng paglabas ng fluid sa iyong katawan.

4. Mababang level ng serotonin

Ang serotonin ay isang neurotransmitter na kailangan ng iyong katawan upang ikaw ay masaya at kalmado. Kapag uminom ka ng kape na walang laman ang tiyan, agad ka nang mabubusog at ang resulta ay hindi ka na kakain ng agahan. At kung hindi ka kumain ng breakfast, mahihirapan ang iyong katawan na maglabas ng serotonin.

5. Anxiety o pagkabalisa

Ang resulta ng mababang serotonin level ay nakakapagdulot ng pagkabalisa o anxiety at depr ession. At mas mahihirapan ang iyong utak na magconcentrate sa buong araw.

Kaya sa mga mahilig uminom ng kape na walang laman ang tiyan, tandaan niyo ang mga epekto nito sa iyong kalusugan. Dapat tandaan na sabayan ng pagkain ng masustansyang agahan ang paginom ng kape upang walang maidulot na anumang problema sa inyong katawan.

source:facebook

0 comments

Post a Comment