Sunday, 2 December 2018

Joma Sison: "Joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China, maituturing na pagtataksil sa Bansa"


Maituturing na pagtataksil sa bansa ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint oil and gas exploration.

Ayon kay Communist Party of the Philippines o CPP founding Chairman Jose Maria Sison, malinaw na pagtataksil sa mga Filipino, sovereign rights at national patrimony ng Pilipinas ang ginawa ni Duterte.

Isinasantabi kasi nito ang desisyon ng international arbitral tribunal na bahagi ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Giit pa ni Sison, dapat ay kumilos ang mga mamamayan para hindi matuloy ang nasabing kasunduan.




source:rmn

0 comments

Post a Comment