Monday, 3 December 2018

Maling Paraan Ng Paglilinis Ng Hipon Maaaring Maging Sanhi Ng Seryosong Problema Sa Kalusugan


Marami sa atin ang mahilig kumain ng mga seafoods ngunit minsan, nakakainis din dahil kailangan mo itong himayin ng maayos para makain mo rin ito ng maayos. Karaniwan kasi,kailangan nating balatan ang mga shells nito, tanggalin ang mga laman at hugasan. Kaya naman hassle pa para sa atin ang paghahandang iyon ngunit sulit naman lahat dahil makakakain rin tayo ng hindi pangkaraniwang pagkain.

Ngunit, baka naman magdalawang isip ka nang gawin ulit ito dahil sa nangyari sa babaeng ito. Binawian ng buhay ang babaeng ito mula sa China kamakailan lamang habang naghahanda ng mga hipon. Isang 60 taong gulang na ginang mula sa Guannan County sa Jingsu Province ang aksidenteng nahiwa ang gitnang daliri niya sa kaniyang kanang kamay ng buntot ng hipon habang nililinis niya ang mga ito.

Dahil nga hindi masyadong nasaktan sa nangyari, binalewala niya lamang ang sugat. Kinabukasan, nakita niyang namaga ang apektadong daliri niya ngunit binalewala niya ulit ito. Matapos ang isa pang araw, nagkaroon ng lagnat ang babae at namamaga ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

 Kaya naman naisipan ng kaniyang pamilya na isugod siya sa ospital kung saan nagulat sila nang mapagalaman nilang may septic shock ang ginang at palyado na ang kaniyang mga organs. Sinubukan ng mga doktor na isalba ang ginang ngunit sa kasamaang palad, binawian ito ng buhay matapos ang sampung araw.

Sinabi ng mga doktor na suspensiya nila baka mayroon siyang Vibrio vulnificus, isang hindi pangkaraniwang bacteria ngunit marami nang binawing mga buhay. Ang bacteria na ito ay karaniwang nakikita sa karagatan at maaaring makuha sa pagkain ng mga hilaw na mga shellfish o kayay humawak ka ng mga shellfish habang may sugat ka.

Napagalaman ding mayroong liver disease ang babae na nagpalala ng kaniyang kondisyon at mas lalong dumami ang bacteria. Karaniwang binabawian ng buhay ang mga pasyente 48 oras matapos maapektuhan ng ganitong bacteria.

0 comments

Post a Comment