Sunday, 2 December 2018

Watch: Buwayang Hinihinalang Puma*** sa mangingisda sa Palawan,Nahuli na!

BALABAC, Palawan – Natagpuan na ang isang buwaya na nakapat*** sa isang mangingisda limang araw matapos ang insidente dito sa bayan.
Bandang 1:30 ng hapon Sabado nang mahuli ang buwaya na may habang 15 feet at bigat na 400 kilos.
Image may contain: one or more people, people standing, outdoor and water
Bago ito, pinalibutan muna ng trap ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) ang bahagi ng dagat sa Poblacion na posibleng daanan ng sinasabing “problematic crocodile.”
Image may contain: one or more people and outdoor
Ikinasa ang crocodile hunting matapos makumpirma ng pulisya na napatay nito si Cornelio Bonite, 33, matapos sakmalin at tangayin habang naghahanda para pumalaot noong Nobyembre 27.
Halos dalawang araw ang lumipas bago natagpuan ang bangkay ng mangingisda na palutang-lutang sa mangrove area ng Sitio Buwal, Barangay Malaking Ilog.
Image may contain: one or more people, people standing, outdoor and water
 Here's the original post:

Watch the Video Here:
Source: facebook
THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.



0 comments

Post a Comment