Wednesday, 20 February 2019

Karen Davila to Senador Manny Pacquiao "May College degree kanaba"?



Binabatikos ngayon ng ilang kababayan natin si ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil sa paraan ng pagtatanong nito kay Senador Manny Pacquiao. Sa programa ng ABC-CBN News Channel (ANC), napag-usapan nila Davila at Pacquiao ang tungkol sa pangangailangan ng college degree para sa mga senador at Pangulo. Tinanong ni Davila si Pacquiao kung pabor ba ito sa panukala. Ang naging simpleng sagot ni Pacquiao ay sang-ayon siya dito. Ayon kay Pacquiao, kumukuha na raw siya ng college degree.



Pero ang pagtatanong ni Davila tungkol sa college degree ay hindi natapos doon. Pinipilit din ni Davila na alamin kung saan nag-aaral si Pacquiao kahit na sinabi ni Pacquiao na sikreto ito. Mapapanood sa video kung paano inulit-ulit ni Davila ang pagtatanong kay Pacquiao kung nakatapos na ba ito.


Ang inasta ni Davila tungo Pacquiao ay hindi pinalampas ng ilang netizens. Ang naturang video clip ng pagtatanong ni Davila kay Pacquiao ay umani na ng libo-libong reaksyon at naibahagi na rin ng mahigit 6,000 na beses habang isinusulat ang artikulo na ito.



Basahin ang reaksyon ng ilang netizens sa inasal ni Davila sa kanyang programa.

“Ikaw Karen my degree pero wlng moral.
Grabe k makadiin s degree. Ung kinakausap muh mas maraming natulong at magandang parangal s bansa ntin. Ikaw Anu b nagawa muh?
K bwisit k, Lam muh Ikaw ung tipong Tao n nkadamit, balot Ang katawan, pero tanaw n tanaw Ang kalooban (itim Ng budhi),” sabi ni R. Java.

“Hahahhaha obvious… Please Davila.. Wag Kang obvious…. You can not put down upright and man of God…. Leaders doesn’t base on education… Si fake vp nga abogado…. Question mark naman.. How she made decisions… Arithmetic nga d PA masundan…,” sabi ni A. Alonzabe.

“Si Pacquiao walang Degree pero mas mukhang may pinag-aralan pang makitungo at makipag-usap s tao hindi mapanghusga, si Karen may degree pero….. Ewan ang ugali kyo na humusga…  Si Pacquiao Khit walang degree pero may krangalan na naipasok s bansang pinas kesa sa Karen na may degree kuno,” sabi ni G. SJ.

source:facebook

0 comments

Post a Comment