Wednesday, 27 February 2019

Watch! "PNP chief Oscar Albayalde pinayuhan ang mga magulang bantayan ang kanilang mga anak sa Larong 'momo challenge' at Blue Whale challenge"


Watch! "PNP chief Oscar Albayalde pinayuhan ang magulang bantayan ang mga bata sa  Larong 'momo challenge' at Blue Whale challenge"

Inihatid sa huling hantungan nitong Martes ang 11-anyos na si Chlyv Jasper Santos o CJ.

Nagpatiwakal daw si CJ habang nasa paaralan sa Quezon City.

"Nung nasa ICU ang anak ko bigla na lang po nagsalita ng 'I will follow my master and I will kill them'," sabi ng kanyang inang si Paula Bautista.

Nagpasya ang mga magulang ni CJ na ikwento ang kanilan nalaman tungkol sa anak upang magsilbing babala sa ibang mga magulang at mga anak.

May nagsabi daw sa ina na may kaklase si CJ na nananakit ng sarili.

Nang tingnan daw niya ang palitan ng messages ni CJ at ng naturang kaklase, nadiskubre niya ang mga nakababahalang usapan tungkol sa mga suicide games.

Ang laman naman daw ng search history ng anak sa internet ay patungkol sa dark web at mga online challenges tulad ng momo challenge.

Kutob ng ina ni CJ, ang mga ito ang nagtulak sa anak upang kitilin ang sariling buhay.

"May task daw po na iuutos yung master na kailangan ka umakyat ng bahay. Picture-an mo sarili mo," sabi ng ina.

Taong 2016 unang lumaganap ang tungkol sa blue whale challenge sa internet.

Hahamunin ang mga biktima na gumawa ng mga task na palala nang palala hanggang sa umabot sa pagpapatiwakal.

Kumakalat naman ngayon ang momo challenge tampok ang nakakatakot na itsura ng babaeng ito na base daw isang sculpture sa isang museum sa Japan.

Nagsimula ang momo challenge sa isang messaging app. Sa pamamagitan ng chat, uutusan ang biktima, kadalasan mga bata, na gumawa ng mga mapanakit na bagay sa sarili at sa kapwa.

Kumalat na rin daw ang momo challenge sa YouTube at iba pang social media platforms.

Karaniwan, isinisingit ang mensahe ni momo sa mga tila inosenteng pambatang video.

Pinaiimbestigahan na ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang tungkol sa blue whale at momo challenge sa bansa.

Kung maaari, nais raw niyang mai-block ang mga ito.

"Sa ating mga magulang kailangan po siguro bantayan natin ang ating mga anak rito. siguro ang kailangan dito is yung talagang magabayan ang mga anak lalo na kapag sila ay wala sa atin, nandun sa mga schools," sabi ni Albayalde.

"Well of course, yung mga guro din. Isa na rin ito na isama nila yung tamang pagturo upang maiwasan itong mga suicidal thinking ng ating mga kabataan or etong mga challenges na ginagawa through tne internet, lalo na kung yung bata ang ini-enganyo," dagdag pa niya.

Watch the Video Here:



Source: GMA News

0 comments

Post a Comment