Thursday, 28 February 2019

WATCH | Ibinunyag ni Mocha Uson sa Facebook Live ang pagtakbo ni Trillanes Bilang First Nominee ng Magdalo Party-list

Nagsimula na ang mga pangangampanya ng mga kandidato para sa mid-term election. Sa isang video ni Mocha Uson, may binunyag ito ukol sa bagong mithiin ni Senator Antonio Trillanes IV sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Facebook live, ibinahagi ni Mocha Uson ang pagnanais na makakuha ng posisyon ni Trillanes sa mababang kapulungan.



Ito ay magiging first nominee ng partidong “Magdalo” sa darating na eleksyon. Siya naman ay lilipat bilang Kongresista sa oras na manalo ang kanilang partido.

Ipinaalala ni Uson ang mga ginawa ni Trillanes noon partikular na ang paninira nito ng bansa ay gobyerno sa ibang bansa. Aniya ay hindi dapat manalo sa mababang kapulungan si Trillanes dahil hangad lang nito ay pigilan ang magagandang hangarin ng pangulong Duterte para sa bayan. Hinimok din ni Uson na iboto ang kinabibilangang party-list na AA Kasosyo na syang nasa pinakadulo ng balota, numero #181.



Pinaunlakan din ni Mocha ang mga komento ng mga netizen ukol sa planong pagiging representante ng Magdalo ni Trillanes. Marami ang hindi sang-ayon rito at nagsabi na dapat ay hindi iboto ito. Malinaw na ipinaliwanag din ni Uson na iisang partido lamang ang dapat na piliin sa balota.

Binatikos ng mga netizen si senator Trillanes. Marami ang nagulat kung bakit ngayong nag-umpisa na ang kampanya ay saka naman inilabas ang balita na si Trillanes ang magiging representante ng Magdalo party-list. Mas naging aware ang mga tao na mas maging mapanuri at mapagmatyag sa kung sino ang iboboto sa darating na eleksyon.


Kinastigo din ng mga ito ang otso diretso na koponan ng mga diumano nasa partido ng mga “dilawan.” Nagpahayag ang mga netizen ng zero support para sa mga dilawan upang hindi na makapag-hari ang mga ito sa bansa. Habang ang masa ay naghihirap at walang umaalalay.

Watch the Video Here:
 Here are some of the netizens comments:

Source: Facebook

0 comments

Post a Comment