Thursday, 28 February 2019

WATCH | Nakunan ng CCTV ang Mismong pagsabog ng Cellphone sa mukha ng babae

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakaaalarmang video kung saan kitang kita kung paano sumabog mismo sa mukha ng babae ang kanyang ginagamit na cellphone.

Ayon sa post ng netizen na si Sarah Gold, ate raw niya ang nasa video.
Nasira di umano ang mukha ng kanyang kapatid dahil sa pagsabog. May kausap daw ang ate niya sa cellphone nito na naka-charge nang biglang sumabog ito.
Nakatakbo ang babae papalapit sa kasama niya sa opisina at di naman na lumaki pa ang apoy na mula sa pagsabog.

Mapapansing nagulat at nagkagulo ang mga tao sa opisina dahil sapagsabog. Maging babala sana ito sa publiko lalo na sa mga mahilig gumamit ng gadgets na naka-charge.

Ilang ulat na ang naitala kung saan malaki ang posibilidad na sumabog ang gadget na naka-charge.
Isa na rito ang unang naibalita ng sa isang news website kung saan isang 16 na taong gulang na binatilyong hirap idilat ang mata nang masabugan ng cellphone.

Samantala, nabahala ang mga netizens na nakapanood ng video at pinaalalahanan ang kanilang mga mahal sa buhay ukol sa maling paggamit ng cellphone habang ito ay naka-charge.

Watch the Video Here:
 Here are some of the netizens comments:

Source: KAMI/Facebook

0 comments

Post a Comment