Friday, 1 March 2019

LOOK | 14-Anyos na ina, Itinapon sa Bintana ang kanyang bagong panganak na sanggol

Ang anak ay biyaya ng Dios na ibinigay kaninuman. Dapat natin silang mahalin at alagaan ng wasto para lumaki silang mabuting tao. At sa panahon natin ngayon marami ng kabataan naging ina o nabuntis ng maaga kahit ano payang dahilan ay dapat natin tanggapin ang napakagandang blessing na bigay ng Dios sa inyo.

Ngunit, may ibang sitwasyon talaga na hindi nila kayang tanggapin ang kamaliang nagawa nila at natatakot sabihin sa mga magulang ang ginawa nila. Tulad ng isang post na ibinahagi ni Klengy Rivo na nagviral sa social media, isa umanong 14-anyos na batang babae ang nanganak sa isang ospital at ang kanyang anak ay tinatapon niya sa may giwang ng bintana. Buti nalang sa awa ng Dios ay himala itong nakaligtas sa kapahamakan.



Hindi Alam na Buntis Ang grade 10 na ina ay diumano isinugod sa ospital ng kanyang mga magulang sa pag aakala na namimilipit ito sa sakit na UTI ngunit lingid sa kaalaman nila ay buntis pala ito at naglalabor na pala ito. Nakakaawa naman yung baby na walang muwang tapos gaganunin lang. Kung nagkamali dapat tanggapin at dapat sabihin ang totoo sa mga magulang, alam natin matatanggap rin nila yan kasi apo nila yan.

Ligtas na ang baby na himalang nakasurvive at ngayon nasa pangangalaga na ng DSWD.



Galit ang Netizens Marami ang nagalit na netizens sa ginawa ng 14 anyos na ina, kung nagkasala man dapat ipaalam parin sa magulang kasi sila lang unang taong tutulong at makakaintindi sayo ng una hindi yung itatago tapos ganon pa ang gagawin.

Meron din nagsasabi pano umano natago ang pagbubuntis ng bata at hindi napansin ng mga magulang. Marami din nagsasabi na may kakilala sila na ganyan ang sitwasyon na tinatago ang pagbubuntis at magugulat nalang ang mga magulang sasabihin ng doktor na manganganak na ang kanilang anak.

Here's the original post:
Here are some of the netizens comments:

Source: Facebook

0 comments

Post a Comment