Ki11er ng 16-anyos na babae sa Cebu, may diperensiya sa pag-iisip ayon sa PNP

Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang “psychological maniac” o may diperensiya sa pag-iisip ang suspek sa pagpatay sa 16-...

Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang “psychological maniac” o may diperensiya sa pag-iisip ang suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Lapu Lapu City, Cebu.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Bernard Banac, tatlong anggulo ang tinitingnan nilang motibo sa karumal-dumal na pagpaslang kay Silawan.

Batay aniya sa isinagawang pag-aanalisa ng mga eksperto, ang nangyari kay Silawan ay kagagawan ng isang may mental disorder at nadagdagan pa na lango ito sa iligal na droga o maaaring bahagi ito ng rituwal ng isang kulto.

Batay din sa inilabas na autopsy results, walang indikasyon na ginahasa ang biktima. “Hindi pa rin matukoy kung ano talaga ang motibo pero ang tinitingnan na anggulo nga ay bahagi nito ‘yung pagiging psychological maniac ng isang tao, na kung saan ay makakagawa ang isang tao ng isang karumal-dumal na krimen,” ani Banac.

Dagdag pa niya, kapag ang isang tao ay may psychological disorder at lango sa droga kapag pinagsama ay makakagawa talaga ng karumal-dumal na krimen. “Ang isang tao na may psychological disorder at lango sa droga, [kapag] pinagsama iyan, makakagawa talaga ng ganitong klaseng karumal-dumal na krimen,” dagdag ni Banac.

Sa ngayon nasa P2 million na ang inilaang pabuya para sa agarang pag-aresto sa mga suspek. Nilinaw ni Banac na ang tanging hawak lamang ngayon ng pulisya ay impormasyon kaugnay sa persons of interest at wala pang indibidwal o suspek na hawak ang PRO-7 sa ngayon. Noong Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu sa Cebu.

Bukod sa binalatan ang kalahating mukha ng biktima kung saan lumabas ang bungo nito ay tinanggal din ang ilang lamanloob niya gaya ng trachea, dila at esophagus.

COMMENTS

Name

Health,6,News,26,video,65,Viral,228,
ltr
item
ViraL Today: Ki11er ng 16-anyos na babae sa Cebu, may diperensiya sa pag-iisip ayon sa PNP
Ki11er ng 16-anyos na babae sa Cebu, may diperensiya sa pag-iisip ayon sa PNP
https://2.bp.blogspot.com/-LSPunPNPffo/XIupdfoxgnI/AAAAAAAADes/yer4XEtLZ5c8ke0o2dZNbXBmIdAlNryoQCLcBGAs/s640/53706670_358967754829018_1109593058481012736_n.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-LSPunPNPffo/XIupdfoxgnI/AAAAAAAADes/yer4XEtLZ5c8ke0o2dZNbXBmIdAlNryoQCLcBGAs/s72-c/53706670_358967754829018_1109593058481012736_n.jpg
ViraL Today
http://www.philnewstoday.com/2019/03/ki11er-ng-16-anyos-na-babae-sa-cebu-may.html
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/2019/03/ki11er-ng-16-anyos-na-babae-sa-cebu-may.html
true
8266836349857050181
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy